Kabanata 7 Hera's P. O. V Tahimik akong bumalik sa upuan para kumain ulit. Napansin ko na may mga bagong order ng pagkain. Namamangha na napatingin ako kay Boss. Ang takaw naman ni Sir Tyron. Ang dami na nga ng i-ni-order niya kanina tapos um-order pa ulit siya ng madami. Hindi naman halata sa katawan niya na matakaw siya. Pinasadahan ko nang tingin ang mga pagkain. Nagutom tuloy ako ulit. Ang sa-sarap naman kasi ng pagkain dito, pero ang lubos na nakapukaw ng aking atensyon ay iyong leche plan. Halos mag-ningning ang mata ko dahil sa excitement na nararamdaman. At last makakatikim na ulit ako ng pinaka-paborito kong dessert. Ilang taon ko na ba itong hindi natitikman ulit? Tatlong taon na. Kaya ganito na lang ang pagka excite ko. Hindi kasi ako maka-bili nito kasi ang mahal ng presy

