Kabanata 3
"Hey Hera, are you okay?" tanong sakin ni Mich. Tumango na lang ako sa kanya.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay pwede na akong malunod.
Pero teka, nagtatakang nilingon ko si Mich.
Akala ko ba ay umalis na siya. Ngunit bakit nandito na agad sya? Grabe, ang bilis naman nya. Akala ko ba may kukunin ito sa HR Department.
Siya si Mich. Isa sa mga empleyado ng Sandoval Corp.
Sa HR department sya nakatoka kaya kami nagkakilala. Si Mich kasi ang na-assign sakin para tulungan ako sa unang araw ko dito. Siya nga pala ang nag ligtas sa akin kanina sa kahihiyan.
Speaking of Kahihiyan.
Hinding-hindi parin talaga ako maka-move on sa nangyari kanina.
Grabe lang. Nakakahiya nang bumaba sa lobby baka mamaya ay may nakakakilala parin sakin. Baka pag tawanan pa ako doon.
Napabuntong hininga na lang ako. Buti nalang talaga at dumating si Mich. Salamat sa tagapagligtas ko.
"Bakit yata ang bilis mo? Si Flash kaba?" nakahalumbabang tanong ko. Natawa naman sya sakin.
"Hanla, Masyado kang patawa. Tumakbo lang ako kaya ako mabilis. Tsaka ten minutes na kaya akong nawala. Malalim kasi ang iniisip mo kaya hindi mo siguro namalayan ang oras." natatawa niyang sabi.
Napalabi na lang ako.
Umayos ako nang pagkakaupo noong bigla siyang may ipinatong sa lamesa ko.
"Iyan na nga pala ang schedule ni Sir Tyron para sa araw na ito at na andyan na din yung mga number na tatawagan mo para sa mga importanteng kliyente. Nakasulat na din dyan yung mga appointment at meetings niya para sa mga susunod na araw." naka ngiting sabi niya.
Binuklat ko agad 'yung folder. Napalunok ako sa nakita.
Totoo ba ito? Halos mapuno nang sulat iyong papel. Punong puno ang schedule sheet niya oh. Tapos 'yung mga number ng kliyente niya, tatlo pa. Ano 'yun paghindi makontak 'yung isa ay may reserba.
Napailing ako. Grabe, sobrang haba talaga ng listahan niya.
Anak ng tokwa! Mapapasabak yata ako dito ah.
"Hera" napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko. 7:56 am na eh. Iyan lang kasi ang pinag bilin sakin ni Sir Matt. Bye, kita na lang tayo mamaya. Tsaka, padating na din siguro si Sir." tumango na lang ako sa kanya at nag pasalamat.
Wala pang tatlong minuto nang umalis si Mich ay may bigla namang lumabas sa elevator. Naglalakad na siya papunta sa akin nang mamukhaan ko siya.
Napatayo ako nang hindi oras sa kinauupuan ko noong masilayan ko ang gwapo niyang mukha.
"S-sir" nauutal na sabi ko.
Napatingin naman ito sakin kaya agad akong napalunok.
Iyong tingin niya na sobrang seryoso at nakakatunaw. Tingin na sobrang makalaglag panty sa sobrang intense. Napakagat labi ako.
Dire-diretso lang siyang nag lakad sa pintuan ng opisina niya. Hindi man lamang nito pinansin ang pag tawag ko sa kanya. Diretso lang sya na parang walang narinig.
Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ng opisina niya ay napaupo agad ako nang hindi oras. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Grabe lang ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba.
Para syang isang mamamatay tao. Sobrang nakakatakot ang aura niya. Pero hindi ko maipag kakaila na sobrang gwapo niya. To the Highest Level.
Tsaka ang napansin ko lang sa kanya ay kung bakit yata iba ang aura niya noong nagkita kami kanina sa lobby. Maloko pa nga ang itsura niya noon. Hindi tulad ngayon na para syang mangangain ng tao. Iyong mabagsik na aura niya. Wala naman akong naramdamang ganun kanina.
Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil sa pag tunog ng intercom sa tabi ko.
"Shet! Nakakagulat naman ito. Baka mamaya mamatay na ko sa sobrang takot at gulat nang dahil lang sa tumutunog na ito." nanginginig ang kamay ko habang sinasagot ang tawag.
"Hello? Sino to?" nakangusong tanong ko sa kabilang linya.
"Where's my schedule? I Need it now" nanlalaki ang mga matang napalunok ako.
Fucking s**t of paper! 'Yung boses niya ay makalaglag panty din. Yung Baritone voice niya. Pak na pak! Ang sarap sa pandinig. It's so fuckin' perfect.
Anak ng tokwa napapamura tuloy ako! Sobrang gwapo at hot niya na nga tapos pati ba naman 'yung boses niya ay sexy din?
"W-wait lang po sir. Dadalhin ko na po sa in--" natigil ako sa pagsasalita at agad na napatingin ako sa telephono.
Binaba niya!
Grabe lang sya. Binabaan ako ng tawag. Ni-hindi pa nga ako tapos mag salita. Grabe talaga sya! Nakakagigil! Gwapo nga ang sama naman ng ugali.
Padabog kong kinuha yung folder para sa schedule. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa aking reaksyon. Nakabusangot kasi ako dahil sa inis kay Boss Tyron. Dali dali akong naglakad papunta sa pinto ng opisina nya. Kaming dalawa lang ang nandito sa floor na ito. Halos buong Floor ang gamit niya para maging opisina niya kaya sobrang tahimik. Daig pa ang lugar dasalan sa sobrang tahimik dito sa floor namin.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Pagkabukas ko ng pinto ay iginala ko muna ang paningin ko sa loob ng opisina niya.
Nalaglag ang panga ko sa nakita. Anak ng tokwa! Sobrang lawak nito ah! Malawak pa sa isang Hotel room ang opisina ni Boss. Medyo madami rin s'yang mga gamit at display dito pero malawak parin ang espasyo na para bang isang luxury hotel na pang maharlika. Paniguradong sobrang mamahalin ng mga gamit dito.
May tatlong painting at book shelves sa isang sulok at iba pang mga pang-display na typical na makikita sa isang opisina. Mayroon ding sofa set na makikita sa kabilang bahagi. Pero ang nagustuhan ko lamang sa opisina nya ay yung sobrang laking glass window. Kitang kita dito ang magandang tanawin sa labas.
Nang napatingin ako sa pwesto ni Boss ay tsaka ko lang napansin ang kanyang malaking lamesa na kulay ginto at pati ang kanyang pangalan na nakalagay sa ibabaw ng kanyang lamesa ay ginto din. Ano ngang tawag doon? Plaque?
King Tyron R. Sandoval
Chief Executive Officer
Namilog ang aking mga mata sa gulat. Grabe! Totoo kayang ginto ang lamesa niya?
Tangna! Siya na ang may magandang opisina.
"Where's my schedule?" seryosong tanong niya.
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapalunok noong nagtama ang paningin namin. Kung makatitig sya akala mo ay papatay s'ya sa sobrang seryoso.
I shiver because of that killer stare. I want to run outside but I choose to composed myself. Walang pag aatubiling lumakad ako papalapit sa kanya.
"S-sir, heto na po 'yung schedule nyo" nauutal na sabi ko.
Kinuha naman niya ito nang walang pag aalinlangan.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay busy sa pag babasa ng schedule.
Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. s**t! Sobrang gwapo niya sa malapitan. Kitang kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Pointed Nose, iyan ang pinakagusto ko sa lalaki. Ang ganda din ng mga mata niya dahil sa blue eyes niya. And those kissable lips na nakakaakit halikan.
Waahh! Nababaliw na yata ako.
Shet. Pero ano nga kayang feeling na mahalikan ng sexy lips na 'yun. Masarap ba?
Napabalik ako sa realidad nang magsalita siya.
"Are you done checking me out?" seryoso nitong sabi.
Sa sinabi niya ay napa iwas ako nang tingin. Anak ng tokwa! Nakakahiya. Nahuli niya akong tinitingnan siya. Nadagdagan na naman ulit ang pagkapahiya ko sa kanya.
"Ha? S-sorry po" mahinang sabi ko.
Hindi naman siya nag salita kaya tiningnan ko sya ulit. Napalabi naman ako nang makita ko ang ginagawa niya. Seryoso siyang nagbabasa habang nakakunot ang kanyang noo.
Psh. Ang Snob.
"What are you still waiting for? I thought you're done checking me out. You can go. I don't need you here." napairap nalang ako pero syempre sinigurado kong hindi niya ito nakita.
Umalis na agad ako sa opisina niya. Baka mamaya sabihin niyang gwapong gwapo ako sa kanya. Kahit totoo naman.
Pagkasaradong pagkasarado ko agad ng pinto ay hinawakan ko ang aking dibdib pagkatapos ay pumikit ako ng mariin. Dinama ko ang mabilis na pagtibok ng puso.
Shit talaga. Bakit ang lakas ng t***k nito. May sakit na ba ako sa puso?
Kailangan ko na yatang magpa-doktor pero bago iyon ay MAG-IIPON MUNA AKO.
-cussmenot
*