Kabanata 5 Kakatapos lang ng meeting ni Boss Tyron sa isang Client nito at bilang secretary ni Boss Sungit ay kasama din ako sa kanilang meeting. Ako kasi ang taga-sulat ng mga importanteng detalye sa mga pinag uusapan nila. Ngayon alam ko na talagang pinapahirapan niya nga talaga ako ng todo. Wala nga syang awa. Pinagsusulat niya ako. Kung bakit ba naman hindi na lang sila gumamit ng voice recorder. Para naman hindi na mahirapan ang mga sekretarya na tulad ko. Like duh! Aanhin mo ang Technology kung hindi mo naman gagamitin. Kaloka itong si Boss Tyron. Daming dami ng pera pero ayaw bumili. Kuripot. Hindi naman ginagastos ang pera, i-tinatambak lang yata. Kakainggit sa ibang department, may libreng recorder pero bakit sa akin wala! Naturingan niyang sekretarya pero pinagdadamutan ni

