Kabanata 38 "Welcome back, Your Highness." sabay sabay na bati ng mga empleyado sa resort habang nakangiti. Sila agad ang bumungad sa amin pagkapasok palang namin sa resort. Sampung empleyado ang nakapila sa aming harapan at nakayuko sila habang nabati sa amin ng magandang araw. Pagkatapos noon ay may isang babeng lumapit sa amin, nag-bow muna sya sa harap ni Boss at akmang sasabitan sya ng bulaklak sa leeg nang bigla niya itong patigilin. Muli namang yumuko yung babae at humingi ng tawad. Mabilis namang nakalapit sa akin yung babae at nilagyan niya ako ng kwintas na bulaklak sa leeg. Nakangiting nagpasalamat ako sa kanya na syang sinuklian niya din ng ngiti. Sinundan ko sya ng tingin, at bumalik lang sya sa dati niyang tayo. Nilingon ko si Boss na nakatayo lang sa tabi ko habang nakaha

