Prologue

1100 Words
BABALA : Mag ingat sa mga taong babastedin niyo girls. PROLOGUE. "Wendy look at him.. Ang gwapo niya diba?" Napasimangot si Wendy sa itinuro ni Yoona. Ang best friend niyang mataba at malabo ang mata. Itinuro nanaman kasi nito ang nag iisa nitong crush sa campus nila. Walang iba kundi si Jared Hoffman. Ang payat na nerd sa kanilang skwelahan. Kaka-transfer lang nito sa kanilang paaralan noong nakaraang buwan "Anong gwapo ka diyan? Tignan mo nga ang payat payat--" "Hindi ka ba nagwa-gwapuhan sakanya??" "Hindi" Nagkibit balikat nalang si Wedy. Aaminin niya gwapo nga ito kahit payat dahil halata ng pagkakaroon nito ng American blood. Pero ayaw niya munang magkaroon ng crush dahil pag aaral muna ang inaatupag niya. Lalo na siya ang bread winner ng kanilang pamilya. Inaasahan ng kanyang Mama na makapagtapos siya sa pag aaral upang siya naman ang magpapa-aral sa walong kapatid niya Yeah. nine kaming magkakapatid at ako lang naman ang panganay.. "Mas malabo pa ata yung mata mo kaysa sakin eh. Tignan mo nga ang gwapo gwapo niya. Balita ko kahit payat siya at nerd ang daming nagkakagusto sakanya dito sa school!" kinukurot kurot pa siya ni Yoona habang nakatingin ito kay Jared. Inayos nitong mabuti ang makapal na salamin sa mata. Nasa loob sila ngayon ng Quadrangle kung saan tumatambay ang mga studyante kapag vacant period Malaki ang quadrangle , madaming puno at nagsisilbi itong simple park ng kanilang paaralan. Dito kumakain ng lunch ang ibang studyante dahil may vending machines at booth stores sa paligid. They are now forth year high school. Graduating na sila ni Yoona this school year. "Hay nako yoona. Panay gwapo nalang ba ang iisipin mo? Graduating na tayo kaya wag na muna natin isabay yang mga crush crush na ganyan. Ang mahalaga ngayon matapos natin tong assignment natin" Inirapan siya ni Yoona at patuloy nitong tinitigan si Jared. Napabuntong hininga nalang si Wendy. Hindi niya maiwasan mapalingon kay Jared. Sa totoo lang unang kita niya palang dito nagkaroon na siya ng hiya dito dahil palagi niya itong nahuhuling nakatingin sakanya. Napangiti ito ng tumingin siya sa gawi nito. Para bang hinihintay talaga nitong mapatingin siya Grrr. ayoko pa magkaroon ng crush! Inirapan niya ito at nagkunwaring busy sa kanyang notebook. Hindi niya maintindihan kung bakit bumilis ang t***k ng kanyang puso. Relax wendy! "My God he smiled at me! N..Ngumiti siya sakin wendy!" Niyugyog pa ni Yoona ang kanyang balikat Sa palagay ni wendy inakala ni Yoona na ito ang nginitian ni Jared. "Oh my God palapit siya satin!" doon na bumilis ng husto ang puso ni Wendy. Shit ano ba to. Bakit ako kinakabahan?! Nag kunwari nalang siyang hindi affected. Pero ang totoo halos magwala na ang puso niya. Bakit naman sila nito lalapitan? Alam niyang sikat ito sa paaralan nila kahit nerd ito at payat matangkad naman ito at gwapo "H..Hi" His voice. Pakiramdam ni wendy ngayon palang siya nakarinig ng pinakamagandang boses. Hindi niya inasahan na ma-apektuhan siya ng magandang boses nito "H..Hi. I'm yoona!" Agad na nakipag kamay si yoona kay Jared. Ngunit si Wendy nanatili siyang nakayuko sa kanyang notebook. Siniko siya ni Yoona kaya wala siyang choice kundi tumingin kay Jared. Parang slow motion ang kanyang mundo ng makita niya ito sa malapitan. Tama nga si Yoona. Gwapo nga ito. "A..Anong kailangan mo?" Pagsusungit niya. "Classmates ko kayo sa History right? Pwede bang makahiram ng book? Naiwan ko kase sa bahay namin yung libro ko" "Oo naman! Eto oh!" Nagmadali pa si Yoona ipahiram kay jared ang libro nito "T..Thanks" Pero sakanya ito nakatingin "May kailangan ka pa?" Pagtataray niya. "Hmm wala na.." Ngumiti lang ito at nagpaalam na. "My God! Ang puso ko wends... Grabe ang bango niya at ang gwapo talaga!" Pagtalikod palang nito doon palang nakahinga si wendy ng maayos. Grabe.. Ano yung naramdaman ko. grrr Pinawisan din ang kanyang noo. "Satingin ko wends. Crush ka niya.." Nakangiting tukso ni yoona sakanya. "W..What?" Nagkunwari si Wendy na hindi niya alam ang sinasabi nito. "I mean crush ka ni Jared. Palagi ko siyang nakikitang nakatingin sayo. Tapos ngingiti siya sakin pag nahuhuli ko siyang nakatingin sayo. Tapos ngayon lumapit siya dito para humiram ng libro pero nasilip ko sa bag niya nandoon naman ang libro niya.. My God kinikilig ako!" Lalong pinawisan si Wendy sa mga pinagsasabi ni Yoona. "B..Bruha kung ano ano sinasabi mo diyan. ayoko pa magkaroon ng nobyo hindi ako pwedeng lumandi dahil sasakalin ako ng mama ko" Nagmadali nang tumayo si wendy sa pagkakaupo nila sa damuhan. Pinagpag niya ang kanyang uniporme at binitbit ang kanyang bag "Oh san ka pupunta?" Tanong ni yoona "Somewhere malayo sayo para makapag aral ako. Bye!" Nagmadali na siyang iwanan si Yoona. Kinakabahan kasi siya sa mga sinasabi nito. Siya? Magiging crush ni Jared? Impossible! At ayaw niya dahil ayaw niyang entertain-in ang kakaibang pakiramdam n umuusbong sa puso niya dahil malalagot siya sa Mama niya! Dahil sa pagmamadali niya nakabanga siya ng hindi sinasadya. Napaupo ito sa kalsada. Hmmp Gwapo nga Lampa naman? Its Jared. Tumayo agad ito. At napangiwi. Halatang nahihiya ito dahil lalampa-lampa ito. Madami din mga studyanteng nakakita dito. "Ikaw nanaman?? Haharang harang ka kasi sa dadaanan ko eh!" Pag susungit niya. Gusto niyang sungitan ito dahil ayaw niyang mapalapit ang kanyang loob dito. Ewan ba niya para bang madali itong maging kaibigan dahil mukhang mabait ito. Ngunit ayaw niyang magkaroon ng kaibigan na lalaki. Dahil gusto niyang umiwas sa tukso "I'm sorry.. Ahm Wendy pwede ba kitang makausap?" Napataas ang kanyang kilay "Ano naman pag uusapan natin?" nakakunot nuong tanong niya "P..Pwede in private?" "What?? A..Ayoko nga! Sabihin mo na dahil nag mamadali ako---" "Pwede ba kitang li..ligawan?" Nabubulol pang sabi nito Napahinto siya sa kanyang pagsasalita. Aaminin niya tumibok ng mabilis ang puso niya. Tinukso naman sila ng mg studyanteng nakapaligid sakanila Napalunok siya. Hindi niya kasi inaasahan ang sasabihin nito! "A..Ayoko nga! A..Ang bata bata pa natin. At ayoko pa mag boyfriend! Unang una hindi kita g..gusto ang payat payat mo magpalusog ka muna bago ka manligaw!" Nagtawanan ang mga studyante sa paligid "G..Ganoon ba" Halatang nalungkot ito "O..Oo! Wag ka na uli lalapit sakin dahil ayokong maging boyfriend ka!" Tumakbo na si wendy palayo kay Jared Pakiramdam niya mali ang kanyang naging desisyon. Sino ba naman mam-babasted sa gwapong anak ng principal nila? Siya lang! Tumakbo siya ng mabilis upang makalayo kay Jared... Hindi niya akalain na ito na din ang huling beses niyang nakita ito sa kanilang paaralan. Marahil napahiya ito ng sobra sa kanyang ginawa Sorry Jared marami lang akong responsibilidad sa pamilya ko.. At hindi pa ako handa..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD