Pagod na binagsak ni Ruther ang katawan sa kanyang axton black big and tall swivel chair. Kakarating nya lang sa opisina nya sa Manhattan matapos ang isang buwang pananatili sa ibat ibang bansa para asikasuhin ang sariling business nya, business nilang magkakaibigan at ang business ng pamilya nila. "Welcome back boss." Masayang saad sa kanya ni Phil sabay lapag ng kape nya. "What happened here while i'm gone?" "Everything is doing good boss. Wala namang problema." "Thats good to hear." "Pero boss, ang daming meeting ang naka schedule sayo at marami kang papeles na dapat pirmahan." "I will do that tom." "Sorry to say this boss but you need to do it now since nandito ka naman." Sinamaan nya ito ng tingin habang binubuksan ang laptop nya. "Eh kasi boss, akala ko nga di ka papasok at

