Nang bumuti ang pakiramdam nya ay nagdesisyon syang mag swimming at pagkatapos ay nagpatawag sya ng massage service para marelax naman sya dahil sa sobrang stress na pinaparamdam sa kanya ng mga magulang. Kinagabihan ng maka uwi ang mga magulang nya ay pinatawag sya at galit na galit daw ng malamang hindi sya nagpunta sa date nila ni Liu. Ayaw pa sana nyang lumabas ng kwarto nya ngunit makailang beses na syang sinundo ng kasambahay. Nanonood ng netflix ang daddy nya habang nasa harap ng vanity mirror ang mommy nya ng pumasok sya sa kwarto ng mga magulang. "Ano na namang kalokohan ang naisip mo Xue at hindi ka sumipot sa dinner date nyo ni Liu, ano nalang ang sasabihin ko sa mga Zhao dahil pinag hintay mo sa wala ang anak nila?" Bungad na tanong sa kanya ng ina ng nasa harap na sya ng

