CHAPTER 1

1511 Words
Limang buwan pagka graduate nya ng college sa US ay pina uwi na sya ng mga magulang pagkatapos ng ilang linggong paglilibot sa Europe. "Dad, mom, I'm going to Korea." "Hindi ba at kaka balik mo lang galing US. Bakit aalis ka na naman?" "Mom, I need to go there because of my job." "Job? May trabaho ka na?" "Yes mom. Natanggap na ako sa.." "Who told you to apply for a job?" Biglang tanong ng daddy nya. "Dad, I want to write an article about travelling." "Write? We have a big company that you need to learn how to manage, and you applied a job as a writer?" "But dad." "Stop that nonsense. Hindi kita pinag aral para dyan." "Sinunod ko na nga kayo ng ipilit nyo sa aking kumuha ng Business course." "And you still did journalism without our knowledge." "Yes, but I also finished the course you wanted me to do." "Now use that and help me in our family business." "I don’t like just sitting at an office table and just signing papers. I want to travel and explore around the world, dad." "Hindi bat yan na ang ginagawa mo sa tuwing winawaldas mo ang pera natin sa pag punta kung saan saang bansa." "Please dad, just let me do this. I'm still young. I want to do something for myself. I promise to help you in our business, but not now. I have just finished my studies and I want to do what I love the most." "Hindi habang buhay kang bata Xue, tandaan mo yan. Hindi habang buhay ay nandito kami ng mommy mo para takbuhan mo kung sakaling kailangan mo ng pera o kaya ay may gulo kang kinasangkutan." "Dad, magta trabaho lang ako, why are you so dramatic?" "I'm serious Xue. Ayusin mo ang buhay mo. Siguraduhin mo lang na may mapapala ka dyan sa trabahong gusto mo. I will let you do what you want for now, but the time will come that you will do what I want and you should obey me. Is that a deal?" "What do you want me to do, dad?" "You'll see." "I want to know." "It's for your own good. So, deal?" "Do I have a choice?" "It's a deal then. Enjoy your freedom my princess. Don't you ever dare taint our name with your actions. Tandaan mo, ikaw ang nag iisang anak namin ng mommy mo. Your actions will reflect on us. So, you better act properly and never do anything nasty. Naka alis na ang mga magulang nya papunta sa kumpanya nila pero nanatili parin sa isip nya ang mga sinabi ng ama. She can feel something wrong in their conversation pero ang importante ay pinayagan na sya nito sa gusto nya. Sa ngayon ay mag I enjoy muna sya sa kalayaan nya habang nag iisip kung paano nya maiiwasan ang mga susunod na plano ng daddy nya. She will do everything she wants ng walang ama at ina na dumidikta sa kanya. Sa wakas ay mamumuhay syang malaya sa mga magulang. Kaya mas gusto nya sa ibang bansa para malayo sa mga ito at hindi nya kailangan isipin ang sasabihin ng ibang tao sa kanya. She will never let them ruin her life. It’s her life, her choice and she wants to be happy. Agad syang nag lista ng mga lugar na pupuntahan nya sa South Korea. She’s so excited to be in Cheonggyecheon, Gyeongbokgung, Bukchon Hanok Village, Changdeokgung, Jongmyo Shrine and Park, top of Namsan is the N Seoul Tower, Itaewon & Yongsan-gu, National Museum of Korea, Seoraksan National Park, The DMZ, Lotte World, Bukchon Hanok Village, Damyang Bamboo Forest, Haeundae Beach, Jeju Island, Nami Island, Busan, visit some Jimjilbang and of course to try some Korean foods while walking beside Han River. She would also love to watch concerts of some KPop stars. "Freedom! Oppas, here I come. Be nice to me Korea!" ******** "Good morning boss, have you seen my reports?" Masayang bati niya sa amo ng makarating sya sa main office nila sa New York. Dalawang na buwan syang nasa Korea at nag ikot sa bansa para sa ibat ibang lugar na pwede nilang i feature sa travel magazines na pinagtatatrabahuan nya. "Morning Xue, yeah got it and I love it. The first three you sent were amazing and even the last one. Did you have fun being there?" "Of course! I love the place and it's all free. Who am I to complain?" "Hahaha! Smart ass. By the way, thanks for the presents. Love the souvenirs." "You are always welcome. Bakit mo nga pala ako pinatawag dito?" Her boss is half Filipino, half American, married to an English man. She is ten years older than her at madali nya itong naka sundo. Nakilala nya ito ng nagbakasyon sya sa Denmark at kasama nito ang asawa na naliligaw kaya tinulungan nya at dun sila nagka chikahan. Nalaman nito ang kurso na natapos nya at pinag apply sya nito sa isang sikat na travel magazine sa New York na pag aari pala nito. "Have you been to Turkey?" "Not yet. Why?" "Good! Because that is your next destination, my dear." "Really? Wow! I heard a lot there, like a classic Istanbul tour including the Blue Mosque, Hippodrome, Hagia Sophia and Topkapi Palace, Bosphorus Sunset Cruise on Yacht and the Cappadocia hot air balloon ride. It’s so cool." "You're going to stay there for one month and after that you need to come back here, or we will meet in Mexico for your next trip." "Seriously?" "Yep! Don't you want that?" "Of course, I love that. This is indeed my dream job. Thank you so much Carol. You are my fairy god mother." "Oh c'mon, stop being cheesy, now move your ass and pack all your things asap. Don't forget to update me wherever you are, and your daily report is important, okay." "Yes boss. Got it! See you next month then." Masaya syang lumabas sa opisina ng boss nila at lumapit sa ibang katrabaho nya na nakilala na din nya nung una syang magpunta dito at natanggap. Matapos ang saglit na chikahan ay bumalik na sya sa hotel na tinutuluyan nya at nagligpit ng mga gamit. Hindi nya akalain na agad syang makakakuha ng new assignment. Para nga syang hindi nagta trabaho sa ginagawa nya dahil sobrang nag i enjoy sya. Nakakapunta na sya sa ibat ibang mga bansa at all paid for free pa ng kumpanya. Sa ilang buwan simula ng umalis sya sa mansion nila sa Pilipinas ay hindi naman sya kinulit ng mga magulang na umuwi. Sinisiguro lang ng mga ito na nasa maayos sya na kalagayan at walang ginagawang kalokohan. She always updates her whereabouts, but not literally. Alam kasi nya na pwede syang padalhan ng ama ng bodyguard o spy na magbabantay sa bawat galaw nya. Going to places away from her comfort zone is scary but she likes the challenges and adventures that are waiting for her. She meets different types of people. Sa mga bansang napuntahan nya na iba ang lenguahe bukod sa English ay nahirapan sya but still she made it. Nasasanay na nga sya mag sign language o kaya ay may mga placard at translation device syang dala bukod sa map at dictionary. Mabuti nalang at bata pa sya ay sanay na syang mag travel dahil nadin sa mga magulang nya na mahilig mag ikot sa ibat ibang bansa. Living alone independently is new to her, but she loves the freedom and joy she feels wherever she goes. She loves being young, not too wild and free. Dahil madalas na syang nasa New York ay naghanap na siya ng condo na sakto lang sa kanya dahil lagi naman syang nasa ibat ibang bansa. Kahit kasi hindi sya nagtatagal sa New York ay kailangan padin nya ng matutuluyan para sa iba pang gamit nya, mas hassle kasi at magastos pa kung puro hotels lang sya. Nandito din naman ang office nila kaya dito din sya madalas na uuwi. Nang malaman ng boss nya na naghahanap sya ng matitirahan ay nag offer pa ito na doon nalang sya sa isang unit na pinapa rent nito, at dahil sya ang titira ay sa murang halaga lang nito binigay. Mas natuwa naman sya dahil malaki ang matitipid nya. She's saving a lot for something she doesn't know yet. Basta gusto nya lang mag ipon para kung ano man ang mangyari ay hindi nya poproblemahin ang pera. Sa ngayon kasi ay tinatanggap padin nya ang allowance na kusang binibigay ng mommy nya kaya ang sahod nya ay napupunta lahat sa ipon nya. She is being practical, kahit sinabi nya na dati na hindi na sya kailangan bigyan ng mga magulang ng pera ay tuloy tuloy padin ang paghuhulog nito sa bank account nya. Kaya nag open pa sya ng sariling nyang account na hindi sa banko ng tito nya para siguradong hindi malalaman ng mga magulang nya. Alam nya kasing lahat ng magagandang ginagawa ng mga ito ay may hihinging kapalit sa kanya balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD