"Welcome back to civilization biatch!" Nakangiting saad sa kanya ni Ben ng makarating sya sa opisina nila.
"Wow! I love your tan skin girl. Suits you well." Saad naman ni Cris.
"Mukhang nag enjoy ka sa kagubatan ah. May nabingwit ka ba dun?" Salubong sa kanya ni Shy.
"Hey! All of you. Nice to see you too. To answer all your questions, Shy, yeah, ang daming isda ang nabingwit ko dun. Sobrang sasarap nila at fresh na fresh."
"Gaga! Papables kasi."
"I know gaga! Syempre meron dun pero di ko bet eh, alam mo namang saglit lang ako dun, ayoko mabitin ang lolo mo pag iniwan ko lang."
"Ay sus! Dyan ka magaling, puro satsat. Sa isang taon ka naming nakasama dito mukha ka lang pakawala pero di kaya ang all the way."
"Tumigil ka nga Bentot, si Xue na naman nakita mo, kung di ka lang namin kilala, iisipin ko na, na type mo sya."
"Oh, my dear lord, anong akala mo sakin, kumakain ng tahong at talaba? Yuck! As in super duper no way! Eww!"
Nagtawanan nalang sila sa napaka OA na pag arte nito na halos masuka pa.
Sabay sabay namang lumapit sa kanya ang mga ito at nakipag beso.
"We miss you girl. We saw your report and it’s so cool, even the pictures. We love it."
"Thanks. I miss you all too. Later ko na ibibigay pasalubong nyo magre report muna ako kay boss."
"Sya nga pala, since Friday ngayon. Mag bar tayo mamaya, our treat sa pagbabalik mo."
"Sure!"
Agad syang kumatok at pumasok sa opisina ng boss niya.
"You're back!"
"Hi boss."
"How’s your African adventure?"
"Oh, I love it there. Though some almost heart attack moments dahil sa mga wild animals, I really enjoy my stay there. Thank you for choosing me to do the research."
"Of course! You're good at what you're doing kaya ikaw talaga ang pinadala ko dun. We love your write ups and documentaries, even my husband saw it and he wants us to experience what you did there."
"Yes, I highly recommend you two to do that. You know some goes there are couples in honeymoons or just celebrating anniversaries or just bonding together."
"Yeah.., Kaya, we will be there next week."
"You mean? As in next week na?"
"Yes, at pupunta din kami ng England kaya isang buwan kaming mawawala."
"Wow! Another honeymoon then."
"You can say that, but I call you here para sabihin sayo na you have a month long break din. I know matagal kang di naka uwi sa pamilya mo so, this is your chance. If you want, I can extend it, just tell me."
"Thank you. I'll think about it."
"Do it. You deserve it. Next week we have a lot to do before we take our breaks, so you can go home now, since I know you're still in jet lag."
"Not really, but they are inviting me later to have some drinks."
"Oh yeah, Friday night party."
"Yes, and I'm sure free passes too.
"Sponsored as always. Have fun!"
"Thank you, boss. You're the best."
"I know right."
Nagtawanan pa sila bago sya lumabas.
Kakabalik nya lang galing sa isang buwan nyang pag iikot sa Africa. Mahigit isang taon nadin ang lumipas mula ng umalis sya ng Pilipinas at namumuhay ng mag isa palipat lipat sa ibat ibang bansa dahil nadin sa trabaho nya.
Marami ng tao sa bar ng dumating sya, sumunod nalang kasi sya at nauna na ang mga katrabaho nya dahil umuwi pa sya at nagpakit ng damit. Medyo natagalan pa sya na makita ang ito na nasa bandang sulok pumwesto. Agad syang sinalubong ng mga ito at tuwang tuwa na pumunta talaga sya. She chose to wear a body con glittery shiny dark purple halter dress na backless sa likod na kumikinang talaga pag tinatamaan ng lights.
"Wow! You shine bright like a diamond girl." Saad ni Ben.
"Buti at sumunod ka talaga, akala namin magmumukmok ka lang sa condo mo eh." Saad ni Shy.
"Yeah, muntik na nga ako di magising sa alarm ko, napasarap kasi ang idlip ko."
"We're glad you came. Let's party till dawn." Masayang saad ni Cris at inabutan agad sya ng tequila shot.
"Ang ganda pala dito. It's my first time here."
"Yeah, ayaw mo kasing sumama eh dati ka pa namin niyayaya dito pag wala ka sa field." Saad ni Shy.
"At maraming hot papa dito girl, lahat ng lahi at klase ng lalaki makikita mo, pili ka lang ng tipo mo. Siguradong may mabibingwit ka mamaya sa ganda mong yan." Kinikilig na saad ni Ben.
"Ganun ka ba lagi?"
"Yes girl. Di ako umuuwing luhaan." Malandi nitong saad na kumembot kembot pa na ikinatawa nila.
"Di ba nakwento na namin na sa bar din namin na meet ang mga jowa namin." Saad ni Cris.
"Yeah, kasama nyo ba o pupunta din sila?"
"Waley, tayo tayo lang dito. Yung jowa ko nasa LA pa at next week sya babalik." Saad ni Shy.
"Yung jowa ko nasa Mexico, ako ang pupunta sa kanya next week at dun ako magwawalwal sa month long family break natin." Saad ni Cris.
"Eh ikaw Ben, san ka?"
"No final destination yet, depende sa magyayaya sa aking papables later."
"Malandi ka talagang bakla ka. Pokpok!" Natatawang saad ni Shy sabay hampas sa balikat nito.
"Syempre naman, kung sila na lumalapit edi i grab ko na. Aarte pa ba ako kung bet ko din naman sila."
"Cheers sa pag hunting mo later." Sigaw nya.
Masaya silang nagkikwentuhan habang nag iinuman ng biglang yayain sila ni Ben na sumayaw. Medyo nahihilo na sya dahil ang lalakas mag inom ng mga kasama nya at napapasabay sya sa bawat shot ng mga ito. Nakakaramdam na sya ng hilo kaya sinayaw nalang nya. Kahit madaming tao ay hindi naman masyadong siksikan kaya malaya silang gawin ang mga kalokohan nila sa dance floor. Niyaya pa sya ni Ben na mag showdown sila na pinaunlakan naman nya. She loves dancing dahil bata palang sya ay sinanay na sya ng ina sa kung ano anong mga physical activity at sa ballet at dancing lesson talaga sya nag enjoy.
Nagsisigawan at tsini cheer sila ng mga tao sa paligid nila, mayroon pa ngang nakiki sali sa kanila at humamon na di nila inatrasan. Sobrang tuwang tuwa ang tatlong kasama nya dahil lahat nabibilib sa sayaw nya. She did dirty sexy dancing at maging ang dj ay nakuha na nila ang atensyon. Nang matapos ang tugtog ay huminto na sila at nagpalakpakan at hiyawan pa ang mga tao bago sila bumalik sa pwesto nila.
"Grabe girl, ang hot ng sayaw mo. Ang galing mo."
"Ang daming naglaway sayo kanina, shuta ka, buti nalang friend kita."
"Nakakapagod yun ah, but thank you guys. I enjoy it here."
"Mabuti naman nag enjoy ka girl, dalasan mo na kasi pag sama sa amin."
"Pag iisipan ko."
"Gawin mo!"
Nagtawanan na naman sila at balik na naman sa pag inom ng biglang tumayo si Ben at may nakita daw na kakilala.
"Target victim spotted na ang bakla. Galingan mo friend." Sigaw ni Shy dito.
Nag flying kiss pa ito sa kanila at malanding naglakad. Si Ben ang tipong gay na hindi naman all out. Ang mga kasuotan padin kasi nito ay pang lalaki at ang katawan nito ay macho. Kung hindi mo nga ito kilala ay iisipin mo na lalaking lalaki ito. Sa kanila lang kasi balahura at malandi ito kumilos pero sa harap ng iba ay pormal ito, lalo na kapag nasa paligid ang pamilya at kamag anak nito.
Nang tatlo nalang silang naiwan ay walang tigil na naman ang pa shot ni Shy kaya nahihilo na naman sya. Mabuti at may dumating na kakilala ang mga ito kaya nagpaalam muna sya na mag cr lang.
Nang matapos sya ay hindi muna sya bumalik sa pwesto nila at nagpunta nalang sa may bar counter at umorder ng chill drink para mahimasmasan sya.
Natatawa sya sa pinsan at kaibigan na ka chat habang iniinom ang piña colada nya. Sinabi nya kasi na nasa bar sya at nag i enjoy kaya nainggit ang dalawang bruha.
Natigilan sya ng mapansin ang lalaking tumabi sa kanya na kanina pa tumitingin sa kanya.
She was mesmerized by his mismatched eyes na sobrang ganda. Green on the left and blue on the right. Salamat sa ilaw sa bar counter kaya malaya nyang nakikita ang mga mata nito na tila inaakit syang titigan. First time nyang nakakita ng ganun at talagang natigilan sya. Bagay na bagay ito sa gwapong mukha na nasa harap nya. He looks so handsome with a bad boy image in a way with his top knot hair. His broad shoulders and buff body that suit him well too.
Ilang minuto na ata syang nakatingin lang dito ng marinig nyang nagsalita ito at kanina pa sya tinatanong. She saw how he smirked and looked at her. Mukhang tuwang tuwa pa ito sa pagka tulala nya dito at nakitang gulat nya.
Gosh! Hindi naman siguro nahulog ang panty nya o tumulo ang laway nya. Nakakahiya!