Akala nya ay sa bahay lang nito sa New York ang tinutukoy na my place nito pero nagulat sya ng makababa sila ng eroplano ay nalaman nyang nasa Athens Greece pala sila. They made a stop over in Athens after a long flight for refueling kaya kailangan muna nilang bumaba na nagustuhan nya dahil makakapag ikot pa sila sa Athens bago dumeretso sa Santorini. This is the first time she steps foot on this country kahit matagal na nyang gustong magpunta dito. Sobrang pagkamangha ang naramdaman niya habang bumabyahe sila sakay ng limousine na syang maghahatid sa kanila sa isang restaurant. After three hours lay over in Athens dahil namili pa sila ng mga gamit nya at may mabilis na meeting si Ruther, another less than an hour pa ulit bago sila nakarating sa Santorini.
"Wow! You have a very beautiful country."
"You can say that. I was born and raised here.
Hapon na ng makarating sila sa Santorini at sobrang natutuwa sya sa mga magagandang villas na nakikita nya.
"You live here?" Tanong nya ng nasa tapat na sila ng malaking villa at kita nya ang magandang over looking view mula sa kinatatayuan nila.
"Yeah."
Kinabahan sya at parang di nya magalaw ang mga paa kaya natigilan si Ruther at nilingon sya.
"Come on babe. Let's go inside." Saad nito at hinawakan ang kamay nya saka sya hinila papasok sa loob. Nang makapasok sila sa loob ay mas namangha sya sa sobrang ganda ng design at style. Sinalubong sila ng dalawang kasambahay at lahat ito ay mga mukhang pinoy.
"Isay, paki hatid mo ang senyorita Xue mo sa kwarto ko."
"Opo senyorito."
Napatingin sya kay Ruther sa sinabi nito.
"I have to meet someone babe. Just go with Isay to our room, if you need anything just tell her. Babalik din ako mamaya." Saad nito at mabilis syang hinalikan sa labi saka ito umalis agad, ni hindi na hinintay na magsalita sya.
"Hi ma'am, Pinoy po pala kayo." Nakangiti nitong saad. Bumati din sa kanya ang isa pang kasama nito.
"Hello po, kamusta po kayo ako po si Xue."
"Mabuti naman po. Ako po si Isay at ito po si Lina."
"Matagal na po ba kayo dito?"
"Opo, tara na po ma'am, sasamahan ko po kayo sa kwarto nyo para po makapag pahinga kayo."
Agad naman syang sumunod dito at dinala sya sa isang silid na may magandang terrace na tanaw ang dagat.
"Kung may kailangan po kayo ma'am ay i press nyo lang po yung button sa gilid ng side table."
"Thank you, Isay."
Nang umalis na ito matapos syang tulungan sa mga gamit nya ay naligo sya at nagpalit ng summer dress dahil gustong nya lumabas kahit sa malapit lang para tumingin sa magandang view sa baba. Nang makarating sya sa living room ay may biglang kumatok sa pinto na agad namang pinagbuksan ni Isay. Nagulat sya ng biglang pumasok ang magandang babae na kahit medyo may edad na ay maganda parin.
"O Theé mou! It's true! Our grandson brought his girl here." Masaya nitong saad kasunod ang isang lalaki na sa tingin nya ay asawa nito. They maybe look old, but the authority and beauty is still visible on them. Napangiti sya ng lumapit ang mga ito sa kanya.
"Good afternoon." Nahihiya nyang saad.
"Eísai tóso ómorfos. Pos se le-ne?"
Naguguluhang tumingin sya dito. "Oh, I'm sorry but I can't understand your language."
"Oh, my bad, by the way my name is Carissa, and this is my husband Evan.
"Hi, I'm Xue."
"Is it true that you came here with our grandson Ruther?"
"Yes ma'am."
"Oh, please just call me Carissa or yia yia and my husband papuos."
Napangiti nalang sya, naguguluhan kasi sya lalo pa ng sinabi nito na apo nila si Ruther.
"Where you came from my dear?"
"I'm from the Philippines but I'm currently working in New York."
"Oh, a Filipino."
"Actually, I’m half Chinese and the other half are Filipino and Canadian."
"Still, you look so pretty."
"Thank you."
"Why don't we invite her to go outside and have some snacks."
"Of course! That's a good idea ton agapiméno mou sýzygo."
"Let's go Agapité mou." Saad ni Carissa at masaya syang nilapitan at hinawakan sa braso saka inakay palabas.
Nang makalabas sila sa garden ay sobrang namangha sya sa ganda ng view. Over looking mountains and ocean.
"I can’t believe it when our friend called and told me that he saw Ruther with a girl in Athens, mabuti nalang at nasa Santorini din kami kaya nagpunta kami agad dito."
"Marunong po pala kayo magtagalog."
"Oh yes dear. I have a Filipino blood on my veins kaso konti lang, parang sa ninuno ko na pero yang asawa ko ay pure Greek. Karamihan sa mga empleyado namin ay Pinoy din kaya talagang inaral ko ang tagalog, and your papuos can understand tagalog but he can’t speak much. If I may ask dear, how old you are?"
"I'm twenty three po."
"Oh, you're not that young pala, you're at marrying age nadin. Ganyan ang edad ko ng mag asawa ako. You look so young and beautiful."
"Thank you po. Kayo rin po, ang ganda nyo po. Akala ko nga po kayo ang mommy ni Ruther."
"Oh my! Really? Haha! Bukod sa maalaga ako sa sarili ay maswerte din kasi ako sa asawa ko kaya hindi ako stress."
"I'm glad to hear that agapiméni mou gynaíka. So am I."Masayang saad ng asawa nito na nakikinig lang sa usapan nila habang sumisimsim ng kape na dinala ni Lina.
"Hanggang kailan kayo mag i stay dito?"
"Hindi ko po alam, depende po kay Ruther."
"Nako ang batang yun, ni hindi man lang nagsabi sa amin na uuwi dito. Minsan lang kasi yun dito at madalas sa America. Kung wala nga lang kaming importante na lakad ay dito na sana muna kami habang nandito kayo."
"We can go back here after our reunion with friends."
"Great idea! I'm glad to see you dear. I'm happy to know that my grandson has someone like you. Ikaw ang unang babae na dinala nya dito sa bahay nya. I think you're that special to him. Am I going to hear wedding bells in the near future or a baby perhaps? Whatever comes first we will be so excited."
"Ahm, ano po kasi." Hindi nya alam ang sasabihin nya dahil kahit sya ay hindi alam kung ano ba talaga ang estado nila ni Ruther. Nahihiya naman syang sabihin sa mga ito ang totoo.
"You're blushing, don't be shy dear. Welcome to the family." Masayang saad nito at nag beso beso sa kanya saka sya niyakap.
"I like you so much for our Ruther. Please make him so happy and take care of him. He's been through a lot, I hope you can keep up on his bad temper but he's a good person, I know coz we raised him well."
Mabuti nalang bago pa sya maka isip ng isasagot dito ay dumating ang driver ng mga ito at sinabing kailangan na nilang umalis dahil mahuhuli na ito sa flight at naghihintay na ang mga kaibigan.
"Sorry for the short and unnoticed visit dear, but we will be glad to have you in our house in Athens. Please tell Ruther to bring you there. Magtatampo ako pag hindi kayo nagpunta. Please dear."
"I will tell Ruther po."
"Thank you My pleasure to meet both of you po."
"I’m glad to meet you too dear Xue."
"Thank you, sir."
"It's papuos and yia yia dear. We have to go. See you soon."
"Ingat po kayo."
Nang makaalis ang mga ito ay parang nabunutan sya ng tinik sa dibdib. Sobrang kaba talaga nya ng makita ang dalawa na biglang dumating at nagpakilalang lolo at lola ni Ruther. Mabuti nalang at mababait ang mga ito at mukhang nagustuhan naman sya. Gabi na wala parin si Ruther kaya mag isa syang nag dinner. Hanggang sa makatulog na sya ay hindi parin ito bumabalik. Kinabukasan ng magising sya ay mahimbing na natutulog ang binata sa tabi nya at mahigpit syang yakap, gaya ng madalas nitong gawin pag magkatabi sila ay nakasiksik na naman ang mukha nito sa leeg nya. Maingat nyang hinaplos ang mukha nito, ramdam nya ang mga patubong maliliit na buhok nito sa mukha na kumikiliti sa kamay nya. She can't believe it but kagabi habang hinihintay nya ito ay may nakumpirma siya sa sarili nya, sa kabila ng ilang araw lang nilang pagsasama ay nakapasok na ito agad sa puso nya ng ganun kabilis. She's really falling for him. Natatakot sya dahil ito ang unang beses na nakaramdam sya ng ganun sa isang lalaki at hindi nya alam kung ganun din ang nararamdaman nito sa kanya. She's new to this feeling and situation but she wants it and she's so happy to feel it and be with Ruther. She's not into premarital s*x dahil nag aral at lumaki sya sa piling ng mga madre dahil sa kagustuhan ng ina nya, kahit pa nasa liberated country sya nagpupunta ay inalagaan at iningatan nya ang sarili pero ng makita nya si Ruther ay nakalimutan nya na lahat abg mga pangaral sa kanya ng ina at walang pag aalinlangan nyang binigay dito ang sarili nya at ngayon nga ay sumama pa sya dito sa bansang kinalakihan nito. She doesn't know what will happen in the future but what's important to her is she is with him and she’s happy. Sana lang ay parehas sila ng nararamdaman ni Ruther. Hindi naman lingid sa kaalaman nya na isa itong playboy at kilala ng mga katrabaho nya na ito ang tipo ng lalaki na hindi nagsi seryoso sa mga babae kaya hindi malayong matulad sya sa mga babaeng iniwan lang din nito pagkatapos nitong pagsawaan. She's scared but she's willing to take a risk just to be with him.