Una silang nagpunta sa I-Spa (by Asian Group), Athinaeum Inter Continental Athens. Dahil kilala na si Yia yia doon ay agad silang inasikaso at vip service pa. Sobra syang narelax sa body and face treatments katulad ng facial, massage, chakra healing, and body scrubs. She also love the sauna bath and the meditating room. Sobrang gaan at sarap ng pakiramdam nya ng lumabas sila para maghanap na ng makakainan.
Yia yia brought her to mall for shopping na hindi nya natanggihan ng magtuturo na ito ng mga gamit na bagay daw sa kanya. Kahit anong pilit nya kasi na di naman nya yun kailangan ay binili padin nito. Nagpumilit pa syang bayaran ang mga iyo pero hindi ito pumayag. From accessories to clothes, bags and jewelry ay binilhan sya nito. Halos magmakaawa na sya dito na huwag na syang bilhan dahil sobrang nahihiya sya at ang mahal pa ng binibili nito, kung babayaran nya ay baka maubos ang ipon nya o kulang pa.
"Yia yia please, you don't need to buy that for me. Wala naman po akong pag gagamitan nyan." Aniya ng nasa isang kilalang jewelry shop na sila at bibilhan daw sya nito ng isang set ng alahas.
"It's okey dear. You will need it in the future."
"But yia yia, that's so expensive." Mahina nyang saad.
"Don't look for the price. Just look how beautiful it is especially when you wear it."
"Ang dami nyo na pong binili para sa akin, sobra na po."
"Konti nga lang yun dahil tinanggihan mo na yung iba. I would be so happy if you accept this one." Masayang saad nito sabay pakita sa kanya ng isang set ng alahas. May kwintas, hikaw, singsing at bracelet na gawa sa diamonds. Sigurado syang milyones ang halaga ng mga ito.
"Lahat po iyan?" Gulat na saad nya ng makita ang mga alahas na hawak nito.
"Yes dear."
"Pwede po bang isa nalang."
"You just want to try one?"
"I mean, isa lang po dyan bilhin natin, huwag na po set."
"No! Diamonds are a girl best friend. Malulungkot ang iba pag iniwan natin, kaya dapat bilhin natin ay isang set na."
"Yia yia, this too much, i can’t accept that."
"I'll be so sad if you don't accept these. Marami pa akong alahas sa mansion at sa iyo din naman mapupunta iyon at sa mga anak nyo ni Ruther, pero gusto padin kitang bilhan nito. Bagong desenyo ito at ipinagawa ko ito para talaga sayo."
"Po, para sa akin?"
"Yes my dear. Para sa mapapangasawa ng apo ko."
"Pero yia yia, masyado pa po atang maaga pa para dyan."
"Don't worry, doon din naman ang punta nyo, hindi ka ipapakilala ni Ruther sa amin kung hindi ka sobrang espesyal sa kanya."
"Ano po kasi, bago palang po naman kami nagka kilala." Nahihiyang saad nya.
"Mayroon tayong tinatawag na love at first sight dear." Masayang saad nito sabay baling sa nag aasist sa kanila at kinausap na ito sa salitang di nya maintindihan.
Gusto nya sanang sabihin na baka lust at first sight, lalo kung si Ruther ang tatanungin, ang hilig nun eh. Ano ba itong napasok nya, bat napunta na agad doon ang usapan nila. Ni wala pa nga silang malinaw na relasyon ni Ruther pero si yia yia masyadong advance mag isip.
Napilitan syang isukat ang isang set ng alahas na gustong gusto nito. In fareness, sobrang ganda nga, tipong agaw eksena kaya di mo gugustuhing isuot at itatago mo nalang para di ma snatch.
"That's look amazing on you my dear. Bagay na bagay sayo."
"Thank you yia yia."
"Let's get that ha. May gusto ka pa ba? Just tell me at bibilhin natin."
"Wala po. Pwede po bang huwag na natin bilhin yan." Hirit pa nya, baka sakaling magbago ang isip nito.
"Silly!" Tinawanan lang sya nito bago ito umalis at nagbayad na. Naiiling nalang sya. Hindi naman kasi kaila sa kanya na sobrang yaman ng pamilya nito kaya parang barya lang dito ang mga binili, para lang itong bumili ng candy kung gumastos sa mga gamit na binigay sa kanya. Kaya nga nitong bilhin ang buong mall kung hihilingin nya. Feeling nya, isa syang hampaslupa sa tabi nito. Ganda lang kasi talaga at utak ang meron sya, at sexy body pa pala.
Pagkatapos nilang mag shopping ay kumain ulit sila at nag kape. They visit a gallery dahil may gusto daw itong bilhin na painting pero ng mag ikot na sila ay wala naman itong nagustuhan.
When they got home ay naka handa na ang hapunan at naghihintay na sa kanila si Papous. Medyo nalungkot pa siya ng makitang wala na nga talaga sa mansion si Ruther at iniwan sya.
"Hows your day girls?"
"It's so fun my love. Felt so great to have our dear Xue with me."
"That's great."
"Tomorrow let's bring her to Zakynthos my love."
"Sure agapiméni mou gynaíka."
"Since this is your first time here in Greece at sa Santorini ka palang naipasyal ni Ruther ay dadalhin ka namin sa iba pang magagandang lugar dito."
"Thank you po Papous and Yia yia."
"We are so happy to have you here my dear Xue."
Matapos mag dinner at nagkwentuhan pa sila habang umiinom ng red wine. Napapadalas na ang pag inom nya nito pero okay lang, good for the heart naman just drink moderately. Hindi naman masyadong mabilis ang t***k ng puso nya lalo at wala naman si Ruther sa tabi nya.
She enjoys looking at Ruthers chilhood pictures and videos. Kahit bata pa ito ay halata na ang kagwapuhan. Grabe lang talaga. Pero napansin nya na sa mga larawan at video na ipinakita sa kanya ay wala man lang ni isa na picture ng mga magulang nito. Hindi naman ito mukhang ampon dahil kahawig nito si Papous, pero nagtataka talaga sya. Ayaw naman nya magtanong dahil baka sabihin na pakialamera sya o masyadon syang usyusera. They even told her some of funny things that Ruther did when he was young. Nakita nya din ang marami nitong mga medals at trophy, hindi lamang sa school kundi pati sa mga sports na sinalihan nito. He is really a smart, talented, gifted, handsome and sexy man. Halos lahat na nasa kanya, sya nalang talaga ang kulang sa buhay nito. char! Ang fee!
"Oh, I'm not aware of the time. It's late now, we need to sleep because we need to leave early after breakfast."
"I thought you will never notice agapiméni mou gynaíka."
"It's because I'm having so much fun while talking to Xue."
"We still have more days for that agapi mou. Let's rest now for tomorrow."
"Okay, o sýzygós mou."
Nang tumayo na ang mag asawa ay sumunod nadin sya. Parehas na nasa second floor ang mga kwarto nila pero nasa magkabilang dulo. Sa sobrang laki ng bahay ay parang aalog alog sila.
"Good night my dear Xue."
"Good night Yia yia and Papous."
Nang makapasok sya sa kwarto nya ay agad syang nag half bath. Nang humiga na sya sa malaking kama ay parang nakaramdam sya ng lungkot dahil mag isa lang sya. Nasanay na ata syang kasama at katabi lagi matulog si Ruther. Speaking of him, saka nya lang naalala ang cellphone nya na low batt kanina at hindi pa nya na charge. Agad syang bumangon at kinuha ito sa bag nya. Nag aantay sya ng text o tawag nito pero patay naman pala ang phone nya. Ilang minuto pa syang nag antay bago nya na open ang cellphone nya at nakita nga nya na may mga missed calls ito at text. Ang huling nareceived nya ay sinabi nito na nasa meeting na ito. Agad syang nagpadala ng reply dito.
To Ruther: Sorry late reply. My phone batt got drained. I'm okay here. Your grandparents are so nice to me. I'm going to bed now coz they will tour me to the famous beach here tomorrow. Take care always.
Nang masend nya ang message dito ay hindi na nya hinintay na mag reply ito dahil hindi naman ito naka online kaya natulog nalang sya.
Ilang oras palang syang nakatulog ng maalimpungatan sya dahil may naramdaman syang humiga sa tabi nya at niyakap sya. Sisigaw na sana sya dahil bukod sa madilim ang kwarto nya eh sigurado syang ni locked nya kanina ang pinto bago sya matulog ng may tumakip sa bibig nya at nagsalita.
"Don't shout. It's me baby." Saad nito sa tenga nya saka sya hinalikan sa noo.
"Ruther! Oh god! You scared the s**t out of me."
"I'm sorry, I didn't mean to wake you up."
"Open the light." Utos nya dito na agad naman nitong sinunod at binuksan ang lamp sa tabi nito. "What are you doing here? Akala ko ba may importanteng meeting ka?"
"Yep! But I decided to go back here."
"Seriously? Ang layo ng New York dito, pero natapos mo agad?"
"I realized that I don't need to be there to attend the meeting. I just need a strong internet connection to do that."
Tinaasan nya ito ng kilay sa sagot sa kanya. Sigurado syang may iba pa itong dahilan kaya nandito.
"Pinasama mo pa ang loob ng lola mo eh pwede mo naman palang gawin yun."
"My grandma is always like that everytime i leave."
"Okay. Paano ka nakapasok dito? Im sure na ni locked ko ang pinto kanina bago ako natulog."
"I have a spare key to open it."
"Ah ganun. Pwes umalis ka na at lumipat ka na doon sa kwarto mo at doon ka matulog." Pansin nyang naka business suit pa ito at mukhang kakarating lang talaga.
"Why? Don't you want me here?"
"Doon ka na sa kwarto mo, baka ano pang sabihin ng lolo at lola mo pag nakita kang dito natulog."
"Don't worry, they are not that conservative."
"Kahit na."
"I will stay here."
"No! Alis na."
"I don't want." Saad nito at mas lalong nagsumiksik sa leeg nya at nagsimula ng maglumikot ang mga kamay sa katawan nya.
"What do you think you're doing?"
"We can do it now." Naka ngisi nitong saad.
"What do you mean?"
"The quickie you declined earlier, let's do it now but the natural way we do it."
"Sira ka talaga. Alam kong pagod ka sa byahe kaya matulog na tayo at maaga pa kaming aalis bukas."
"Kayo lang? Ayaw mo ba akong isama?"
"Diba may meeting ka?"
"I can bring my phone and laptop there."
"Okay. Good night baby." Saad nya dito at mabilis itong hinalikan sa labi saka sya tumalikod dito pero mabilis sya nitong niyakap at pinatihaya saka mabilis syang kinubabawan at siniil ng halik.
"I promise to go back to my room before they will wake up baby." Saad nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.
Ang sinabi nyang matulog na sila ay nauwi sa mainit na pagtatalik.