CHAPTER 5

1725 Words
"She's here!" Nagulat pa sya ng paglabas nya ng cr ay sumalubong sa kanya ang nag aalalang mukha ni Ben at kasunod si Shy at Cris. "Where the hell did you go?" "Dito lang." "Gaga ka, kanina ka pa namin hinahanap, kala namin may nag uwi na sayo at napahamak ka na." Saad ni Cris. "Tara na iuuwi ka na namin. Lasing na lasing ka na girl. Alam naming di ka sanay." Saad ni Shy. "But." Bago pa sya naka sagot ay pilit na syang inalalayang ng tatlo palabas, sakto naman na may dumaang taxi." "Sure, kayo na kaya nyo na yan? Ihatid ko nalang kaya kayo?" Tanong ni Ben. Ito lang kasi ang may dalang kotse sa kanila. "Oo, kaya na namin to ihatid. Sige na balikan mo na yung prospect mo sa loob. "Enjoy biatch! Galingan mo." Natatawa nyang saad kahit parang dalawa na ito sa paningin nya. "Sige, ingat kayo." Nahihilo na talaga sya pero pinipilit nyang idilat ang mga mata hanggang sa makarating sa condo nya. Inalalayan pa sya ng dalawa hanggang sa loob ng kwarto nya at ng masigurong okey na sya ay saka ang mga ito umalis. Hindi na nya nagawang magpalit pa ng damit at nakatulog na kahit umiikot ang pakiramdam nya. Tunog ng sunod sunod ring ng cellphone nya ang nagpagising sa kanya. Abigla syang bumangon at nahilo pa nga kaya muntik pa sya malaglag sa kama nya. Dahan dahan syang gumapang palapit sa bag nya na nasa sofa at kinuha ang cellphone nya para sagutin ang tawag ng hindi na tiningnan kung sino man yun. "Hello?" "Kanina pa ako tumatawag pero ngayon mo lang sinagot! What are you doing?" "Mom?" "Yes, sino pa ba?" "It's too early mom, stop shouting." "What are you talking about? I'm sure that it's already 2 pm there." "Huh?" Agad syang napatingin sa orasan na nakasabit sa wall. Shet! Hapon na nga. "Oh well, napatawag ako para ipaalam sa iyo na pinapa uwi ka na ng daddy mo next week. Yung usapan nyo daw. We miss you baby. Ang tagal mo ng di nagpaakita sa amin ng daddy mo." "Mom, I'm busy, call you later. I love you and dad. Bye!" Mabilis nyang saad at pinatay ang cellphone para hindi na ito muling tumawag pa. Damn! After a year ay pinapauwi na sya ng daddy nya para makilala nya ang ipapakasal sa kanya. No way! Hindi sya uuwi at bahalang mabulok sa paghihintay sa kanya kung sino man ang lalaking yun. Tumayo na sya at pumasok sa banyo. Masakit ang ulo nya pero ililigo nalang nya at hopefully matanggal ang hangover nya. Ilang minuto syang nagbabad sa bathtub saka nag shower. Medyo gumaan na ang pakiramdam nya. Natigilan sya at nanlaki ang mga mata ng makita ang repleksyon ng hubad na katawan sa salamin. Her neck and breast have dark red marks. Where did I get these? Unti unting bumalik sa ala ala nya ang mga nangyari kagabi. She met a guy name Ruther, and they make out inside his car. Holy s**t! That's not a dream? She can now remember how they kissed and the way he touches her body and she grind above him. Oh my god! Did I really do that? Nanghihinang nagbihis sya at agad na bumalik at naupo sa kama. She still can feel his kisses and touches to her body. Nag iinit ang pakiramdam nya. He's a good kisser, ang tigas ng katawan nya na nasa tamang pwesto ang mga muscles at yung ano nya, naramdaman nya kung gaano katigas at mukhang malaki nga iyon kaya nga siguro nag enjoy sya sa pagsayaw sa ibabaw nun. She can remember how good his body felt with hers. Tangena naman, bat ko ba ginawa yun, alam kung sobrang gwapo nya pero di lang naman sya ang gwapo na nakilala ko. Pero sa lalaking yun ay may iba talaga syang naramdaman. Muntik nya pang ipahamak ang perlas ng silanganan nya sa isang dayuhang mananakop. Naiiling na tumayo nalang sya at naghanap ng makakain. Gutom lang ito. Dapat ko ng kalimutan yun dahil siguradong hindi na naman kami magkikita ng lalaking yun. Nagluluto sya ng pasta at garlic bread habang nag iisip kung saan sya pupunta sa loob ng isang buwan para matakasan ang ama. Habang kumakain ay pilit nyang winawaksi sa isip ang mga nangyari sa kanila ng lalaking my pinaka magandang mata na nakita nya plus the body too. Shes browsing her IG ng makita nya ang picture ng isang babae na nasa likod ang malaking barko. A cruise ships! Hindi nya pa naranasang sumakay doon. She remembered a classmate in college told her how exciting her adventure was ng mag cruise ito kasama ang pamilya. Why not! She wants to experience a Caribbean cruise. She loves the movie pirates of the Caribbean so she will definitely love the adventure. Mabilis suang nag research kung saan maganda mag book. She saw a six star luxury cruise line and check its amenities and itineraries which she likes a lot. Hindi na sya nagdalawang isip at nag book na. A month long cruise adventure is not a bad idea for someone who wants to stay away from her dad's claw. Maaga syang pumasok pagka lunes at nagkasabay pa silang apat na magkaibigan sa elevator. "Hi girls." "Hey biatches!" "Hola mi amigas." "Hello people." Nagtawanan pa sila dahil sabay sabay silang bumati at nagsalita. "Thank you nga pala sa paghatid nyo sakin ah." "No worries. Ikaw ang bunso namin kaya iingatan ka namin dito." "Akala talaga namin tinake home ka na ni Ruther girl. Grabe kasi yung galawan nyo sa bar. Para kayong mag jowa na sabik na sabik naghalikan." Shet! Ngayon mas lalo syang nakatamdam ng hiya. Paano pa kaya pag nalaman ng mga ito ang pinag gagawa nila sa kotse. "Grabe girl ah, bet na bet ka nun. Sa tagal kung nakikita sa mga bars yun, pero di yun ganun sa ibang mga babae." "Ah basta, babaero yun. Ikaw Xue, dun ka sa mayinong lalaki na di pansamantala lang. Huwag mo sayangin ang ganda at talino mo sa mga babaero." "Ay naku po! Ang aga aga may sermon tayo kay mother superior Cris." Naiiling na saad ni Ben. Sakto naman at nakarating na sila sa floor nila kaya agad silang nagsipuntahsn sa mga table nila at nagsimula ng magtrabaho. Last week nila sa opisina at madami nga talaga silang ginawa. Tinapos na ang lahat ng articles para handa na for printing and posting sa online sites nila. She's excited for Saturday para sa pag alis nya. ********** Tuwang tuwa sya ng makita ang cruise ship na sasakyan. Sobrang laki nito at ganda. She made sure to make some video and pictures to make a documents about her cruise ship experience na ia upload nya sa youtube chanel nya at gagawan ng blog at vlog. Magiliw syang sinalubong ng pinoy na cabin crew at kinuha ang mga dala nya para alalayan sya at samahan sa kwarto nya. "Good day madam. I hope you enjoy your stay here and if you need anything just give us a call." "Salamat kuya." "Hala! Pinoy ka madam?" "Opo." "Hindi kasi halata madam, akala ko Japanese, Korean o Chinese na may pagka Americana ka. Ang ganda nyo po, para po kayong maynika." "Ikaw naman kuya binola mo pa ako, pero salamat. May lahi akong Chinese at Canadian." "Kaya pala sobrang ganda nyo madam." "Dahil duan may tip ka sakin kuya, pero saka na, matagal naman magkakasama dito." "Salamat madam. Pag may kailangan kayo, hanapin nyo lang po ako, Rod po name ko. "Sige kuya Rod." Nang mag isa nalang sya sa silid ay agad nyang tsinek ang loob ng cabin nya. May sarili syang veranda at ang ganda nga talaga ang kwarto na nakuha nya. Sulit din dahil ang mahal ng binayaran nya. Inayos na nya ang mga gamit nya at nagpahinga muna. Dalawang oras pa bago aalis ang barko at magsisimulang mag layag. Dahan dahan nyang minulat ang mga mata at napabalikwas ng makitang ibang kwarto ang nasilayan nya. Oo nga pala wala sya sa condo nya sa New York kundi nasa loob sya ng cruise ship. Naglakad sya sa bandang terrace at nakita nyang naglalayag na sila at papalubog na ang araw. Ilang oras din pala syang naka tulog. Agad syang naligo at nagpalit ng damit para sa welcome dinner mamaya para sa kanilang mga guest. She chose a long back tube raffles dress na kulay red at naglagay ng simpleng make up at nilugay nalang ang itim nyang buhok na medyo kinulot nya. She wears her tie up sandal na terno sa dress nya. Nang lumabas sya mabuti nalang at nasalubong nya si kuya Rod na syang sumama sa kanya at tinuro kung saan gaganapin ang party. "Madami bang pinoy dito kuya Rod?" "Yes madam, nasa twenty din kami." "Ah, matagal ka na po bang nagtatrabaho dito?" "Yes madam, every eight months umuuwi ako sa Pinas tapos babalik ulit pag ubos na ang ipon. Mabait po ang may ari nitong cruise ship at Pinoy din kaya magaling makisama." "Wow! Talaga po. Ang swerto nyo." "Yes madam, ang alam ko nandito nga po si boss ngayon. Biglaan sumama sa tour. Na bored ata. Hehe." "Ganun ba." Nang makarating sila ay nagpaalam na ito sa kanya at may trabaho pa na aasikasuhin. Inilibot nya ang paningin sa buong venue. Wala syang nakitang pinoy na guest dahil karamihan ay puti at black american. Karamihan ay adult na at konti lang ang mga bata. Masaya syang nagpasalamat sa nag abot sa kanya ng drinks at pumwesto sa bandang dulo. Late na pala sya at kanina pa nagsimula ang party. Nagsasalita na ang captain at ipinakilala ang mga importante na kasama nila. Hindi sya masyadong nakikinig at tumingin sa mga nagsasalita sa mini stage coz her focus was in front of some dishes serve. Gutom na kasi sya. She enjoys the foods and drinks. May mga lumapit sa kanya at nagpakilala. Everyone is friendly. She is having a good time eating her desserts ng may biglang umupo sa katapat na upuan nya. "Fancy meeting your here baby girl." Natigilan sya sa pagsubo at gulat na napatingin sa lalaking nasa harapan nya na nakangiti ng nakakaloko. Hindi nya akalain na makikita pa nya ito at baka makasama nya pa sa isang buwan nyang cruise adventure. No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD