Let Him "Anong ginagawa mo dito?" wala sa sariling tanong ko kay Martin. Ang tanging nasa isipan ko lang ngayon ay si Kate at kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niyang bumisita si Martin sa akin ngayon. Nawala naman ang kaniyang tingin at bahagyang ibinaba ang pinamiling pagkain para sa aming dalawa. "Is that how you welcome a friend?" nagtatampong tanong niya sa akin. Bago pa ako makapagsalitang muli ay narinig ko na ang boses ni Manang na galing kila Isaac. "Martin, hijo, ikaw ba 'yan?" tanong ni Manang at mabilis naman siyang nilingon ni Martin. "Opo." sagot ni Martin. "Bibisitahin ko po si Lorraine." "Eh ano pang ginagawa niyo diyan?" giit ni Manang. "Halika't pumasok ka. Nagtanghalian ka na ba? Kakain lang nitong si Lorraine at nahuli ka ng dating para sana'y nasabayan

