Come Home "Why don't you just finish your college here, El?" suggestion sa akin ni Daddy habang kumakain ng hapunan. Ito na ang huling beses na kakain kami nang sabay-sabay bago ako bumalik ulit ng Pilipinas. Bilang graduating student ay mas maikli na ang bakasyon ko at kailangan ko pang ayusin ang enrollment para sa huling sem na paglalamayan ko. Puwede naman ang online enrollment kaso mas madali at mas nakakasigurado ang manual process. Minsan kasi ay magkakandaloko-loko pa ang system kapag online enrollment. "Daddy, isang sem nalang po at gagraduate na ako. I don't want to repeat a year again,” I reasoned out. “Sayang po ang pagpupuyat ko para mag-aral." "Oo nga naman, daddy. Sayang ang pagpupuyat daw ng anak mo," natatawang sabi ni mommy kay daddy. I almost rolled my eyes at my m

