Lucky "Isaac, nasaan ka ba?" naiinis kong tanong kay Isaac dahil ang tagal nya na ngang sagutin ang tawag ko, late pa sya sa usapan namin. "I'm on my way. Maraming pina-asikaso si daddy sa akin. I'm sorry, okay? I'll be there soon. I love you." nagmamadali nyang sabi bago pinatay ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako't pumunta nalang sa Seattle's Best upang makapagpalamig ng init ng ulo habang hinihintay ko ang pagdating ng pinag-iinitan ko. Magtatatlong buwan palang kaming dalawa ni Isaac at simula nang maging kami ay lagi naming pinag-aawayan ang oras na nilalaan namin para sa isa't-isa. Nagt-trabaho ako ngayon as a part-time professor and at the same time, nagma-masteral din ako. Dapat ay teacher lang ako ngayon pero nang dahil sa credentials ko ay natanggap akong professor sa

