Distractions
Muntikan ko nang maihagis ang iPad habang nagco-collage ng pictures namin ni Isaac at ginagawan ng video para sa kanyang nalalapit na birthday nang dahil sa malakas na pagbagsak ng aking pintuan. Napa-angat ako ng tingin at mabilis na tinago ang iPad.
"Isaac!" singhal ko. "Nakakagulat ka naman. Hindi ba talaga uso sa ‘yo ang kumatok?”
Lumingon siya sa akin at umiling saka humiga sa kama ko. Kaswal siyang umulo sa aking mga hita.
It had been a month and a half since we travelled to Manila. Pagkauwi ay naging abala kami sa pag-aayos ng mga requirements na kailangan para sa pasukan sa kolehiyo.
"Don't tell me na wala na kayo ni Thel?" I asked him even though just by looking at his face, I could already tell.
Ganoon siya lagi tuwing nakikipaghiwalay sa mga nagiging girlfriend or ka-mutual understanding niya. Lagi siyang parang problemadong pinagbagsakan ng langit at lupa kahit na siya naman ang nakipaghiwalay.
"Uhuh..." tamad niyang sabi saka ipinikit ang mga mata.
"Bakit?” tanong ko kahit na hindi naman na bago ‘yon. “Wala pa kayong one month, ah? Ang bilis naman ata."
Bumuntong hininga siya at bumangon mula sa pagkakahiga. Nilingon niya ako saka ipinakita ang kanyang cellphone sa akin kung saang nandoon ang conversation nila ni Thel.
"She's so clingy, El," inis na sabi ni Isaac na parang pagod na pagod na. "Alam mong ayaw ko no’n."
Basa ko sa palitan ng mga text nilang dalawa. Thel even threatened Isaac that if he wouldn’t meet with her, she would end things in between them. And then, the jerk beside me just answered 'okay' with a smiling emoji. It was followed by a flood of message from Thel. She kept saying sorry. Ang sabi pa niya ay nadala lang siya ng feelings niya dahil sa sobrang pagtatampo kay Isaac. However, Isaac didn’t reply anymore.
"Gusto niya araw-araw kaming nagkikita kaya madalas akong hindi makapunta sa inyo," he explained. "She's caring and sweet but I just really hate clingy girls. I still have my own life, too. And besides, hindi pa naman kami talaga para maging ganoon siya ka-clingy. We’re still dating and getting to know each other."
"Sinabi ko naman kasi sa ‘yong tama na 'yang kaka-experiment mo sa mga babae, e," sabi ko na lang at tumayo sa aking kama upang i-charge ang aking iPad. “Hindi trial and error ang pakikipagrelasyon, Isaac.”
"But how will I know if she's the one kung hindi ko susubukan, ‘di ba?" katuwiran niya sa akin.
Tamad ko siyang nilingon saka humalukipkip. "Isaac, kusang dumadating 'yong the one na sinasabi mo. Hindi mo naman kailangang subukan bawat babaeng matitipuhan mo para malaman mong siya na nga." pangaral ko sa kanya.
"Lorraine, babae ka kaya sa inyo dapat ang sinasabi mong hintayin na dumating ang the one. Kung hihintayin mo, sinong lalapit sa ‘yo? ‘Di ba ang lalaki? Kasi kayo 'yong naghihintay at kaming mga lalaki ang maghahanap sa inyo," paliwanag niya.
"Puwede naman kasing parehas kayong walang kamuwang-muwang. Parehas ninyong hindi hinahanap ang isa't isa pero pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana."
"El, that stuff only happens in movies," he said, his tone filled with sarcasm. "In reality, if you want to find the one for you, you need to search for it. Kailangan mong hanapin at paghirapang makuha siya."
"E, ‘di sige!" Hindi ko na mapigilan ang mairita. "I-try mong makipagrelasyon sa lahat ng mga babae rito sa Davao. Saktan mo rin silang lahat dahil lahat sila may mali na hindi mo gusto o hindi pasok sa mga qualifications mo. So, go ahead! Hurt all the girls here in Davao, Isaac."
"Hindi ko sasaktan lahat ng babae sa Davao o kahit sa buong mundo pa, El..." marahan niyang sabi. "I will never hurt you. I can never do that. You should know that by now.”
Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. I had no idea how to react with those words which stirred my heart way worse than before. I could only pray and hope that I wasn’t blushing too much.
"Umuwi ka na," sabi ko na lang. "Start na ng klase natin bukas. You should go home and sleep already."
Haharapin ko na sana siya nang maramdaman kong may brasong pumulupot sa aking bewang. Ipinatong ni Isaac ang kanyang ulo sa aking balikat.
"El, I won't hurt you okay?" He tried to reassure me. "You know I won’t. I can't hurt you. I don't want you to get hurt."
Pagkagising ko kinabukasan ay para akong bangag dahil hindi ako makatulog nang maayos habang inaalala ang mga sinabi ni Isaac bago siya tuluyang umuwi sa kanila.
Ayaw niya akong saktan. He didn't want me to get hurt but he wasn’t aware that the damage had already been done. At sa tingin ko ay hinding-hindi niya ‘yon malalaman. These feelings would be forever buried deep in my heart and wouldn't see light.
"Lorraine, nandyan na si Cole. Sinusundo ka na," sabi ni Manang nang pumasok siya sa aking kuwarto upang kuhanin ang pinagbihisan ko.
"Uhm, pakisabi pong hindi po ako sasabay sa kanya," nag-aalangan ko pang sabi saka nagpatuloy sa pag-aayos ng aking buhok.
"Oh, e, sige. Mag-uumagahan ka pa ba ng kain o magtitinapay ka na lang?" tanong niya sa akin.
"Cereal na lang po, manang. Thank you po." Ngumiti ako sa kanya at ibinalik naman niya ‘yon sa akin bago tuluyang umalis.
I exhaled deeply and almost jumped out of surprise when my phone suddenly chimed. I checked the notification to see that my mother sent me a picture of her and daddy. They were both doing a thumbs up and smiling widely.
Lanie Umali Ramos:
Goodluck on your first day in college, sweetheart! From your beautiful mother and handsome father. We miss you and we love you so much!
Napangiti naman ako habang binabasa ang message sa akin ni mommy. Sinave ko ang picture nila ni daddy sa gallery bago nagreply.
Lorraine Quinelle Ramos:
Thank you po, mom and dad! I miss you and I love you rin po! Usap po tayo mamaya. I have to go to school na.
Sinendan ko rin sila ng picture kong nakanguso bilang paghalik ko sa kanilang dalawa.
Two months pa lang ang nakakalipas simula nang magmigrate si mommy papuntang Canada upang samahan si daddy roon. Iyon din ang dahilan kung bakit siya kumuha ng kasambahay na tutulong sa akin sa bahay. I was planning to go with them at first, but then I decided to study college in Davao. Gusto kong manatili at hindi ko rin kayang iwanan si Isaac.
"Ito na ang cereal mo,” Inilapag ni manang sa aking harapan ang cereal. “Kumain ka na.”
"Salamat po," nakangiti kong sabi at saka nagsimula sa pagkain.
"Nga pala! Nasa talyer pa rin ang kotse kaya walang maipanghahatid sa ‘yo si Ener," sabi ni manang. "Magcommute ka na lang. Hindi ka pa kasi sumabay kay Cole. Baka ma-late ka pa sa unang klase mo."
"Madali lang naman pong magcommute papunta roon, manang. Maaga pa naman po,” paliwanag ko.
“Oh, sige,” sabi niya na lang. “Bilisan mong kumain para hindi ka mahuli sa unang araw ng klase.”
Matapos kumain ay agad akong nagpaalam kay manang saka nagmamadaling sinuot ang aking sapatos at patakbong lumabas ng aming gate. Halos matalisod naman ako nang biglang natigil sa gulat dahil sa nakita.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin si Isaac. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa kanyang sedan bago umayos ng tayo.
Magsasalita na sana ako nang makita kong papalapit na siya sa akin ngunit hindi ko man lang ako nabigyan nang pagkakataon.
"I don't care what you say. We're still going to school together,” he firmly said, held my hand, and dragged me to his car.
Mahigpit ang hawak niya sa akin na para bang makakawala ako kapag niluwagan niya ang kanyang kapit. Nang naisakay na niya ako sa loob ng sasakyan ay mabilis siyang umikot papuntang driver's seat at pinaandar ang kotse.
"Nang dahil ba ito sa pinag-awayan natin kagabi?" tanong niya sa akin habang diretso ang kanyang tingin sa aming dinadaanan. “Kaya ba ayaw mong sumabay sa akin papasok?”
Hindi ko na lang siya sinagot dahil ayaw kong pag-usapan pa ulit namin ang mga hindi na dapat pinag-uusapan.
"Lorraine, you're making me so damn frustrated!" Sabay hampas niya sa kanyang manibela. Nagulat ako sa bigla niyang pagsabog, rason kung bakit nilingon ko na siya at binigyang pansin. "Kasama kita. Katabi kita. I can see you but it seems like you’re not here. I’m so frustrated that it’s pissing me off."
“Nakakainis ka kasi!” Napabuntong hininga ako at napagdesisyunang sabihin ang problema ko sa kanya. “Ginagawa mong parang laruan ang mga babae.”
"Then, I won't do it again!" giit niya sa akin.
“You already said that a million times…” I sighed, showing the same frustration. “Nakakasawa na.”
"If I already told you that line a million times before, then I'm going to promise you now that I won't do it anymore."
"Alam mong ayaw ko sa mga taong nangangako ng hindi naman kayang tuparin, Isaac," paalala ko sa kanya. "Kung hindi mo kayang panindigan ang pangako mong 'yan, kung ako sa ‘yo bawiin mo na lang agad. I swear we won’t be the same again if you break your promise.”
Gusto ko siyang magseryoso. Sobrang gusto ko siyang magseryoso ngunit hindi maitatangging may nararamdaman din akong takot.
"Mark my words, Lorraine.” With his eyes still on the road, he reached out for my hand and gave me a quick glance. "I promise you that I won't experiment on girls anymore. If I ever date a girl, I promise it won’t be fleeting. I’ll date her seriously.”
I looked straight into his eyes, filled with determination to prove himself to me. "Patunayan mo," sabi ko na lang at saka binawi ang aking kamay mula sa kanya bago ang-iwas ng tingin at tumingin sa labas ng bintana.
If ever he falls for a girl and takes her out seriously, I need to find distractions cause I don't think that I can handle the pain that I'm going to feel if that happens.