Changed Tahimik lang kami ngayong kumakain ni Isaac sa kanilang bahay. Ni isa sa aming dalawa at lalo na siya ay walang balak na magsalita at nakatulala lang habang kumakain na para bang wala siya sa sarili. Ang akala ko, pagkatapos ng lahat, pagkatapos niyang makipaghiwalay kay Rona ay babalik na ang lahat sa dati pero mukhang mas lumala pa. Parang mas lalo lang siyang nawala sa akin. That thought was pulling me down. I tried to shrug it away by shaking my head, erasing all the negative thoughts in my head. I looked up to him with a smile instead. "Isaac, punta tayo sa mall," masayang pag-aya ko sa kanya. "Magaganda ang mga movie na showing ngayon." Tamad siyang nag-angat ng tingin sa akin at umiling. "Ikaw na lang," sabi niya at mabilis na nalaglag ang balikat ko. "I'm not in the mo

