Chapter 7
Confused
**
Sab's POV
Nakabalik na kami sa dorm at ganun parin ang tatlo, LUTANG. Kahit ako din naman kasi hindi din makalimutan ang sinabi ni Kevin bago kami umalis sa Training Arena (yan yung tawag sa pinagdalhan ni Kevin sa kanila).
"Watch your emotions, dahil ang emosyon niyo ang magiging daan para mapukaw nyo ang Ice Aura ninyo. Let's wait until you guys are all ready for the proper taining." Kevin
Emotions...
Kahit cold ako palagi at walang paki, meron din ako nyan. Mas pinipili ko lang na huwag ipakita sa iba. Pero ang emosyon daw ang magiging daan para mapukaw ang Ice Aura namin? Bakit? Tulog ba yung ice aura na yan? Tss!! Gusto kong malaman ang lahat..
"Sige Sab alis na kami" - paalam ni David na nagpabalik sa diwa ko. Tumango nalang ako at umalis na sila.
Di ko man lang namalayan na nag uusap sila kanina, masyado atang ukupado ang utak ko kanina.
"Hey!" sigaw ni Alexa malapit sa tenga ko. Muntik pa akong mapalundag dahil sa gulat, pero syempre hindi ko pinahalata.
"What?" walang ganang tanong ko.
"You're spacing out. Kanina pa kita tinatanong kung gutum ka ba? Pero di mo ako pinapansin *pout*" ayan na naman siya sa childish behavior nya -__-
"Quit pouting or else tatabasin ko bibig mo" banta ko. Mabilis naman niyang tinakpan bibig nya na nanlalaki ang mata. Psh!! Tiningnan ko lang siya ng masama.
"Oo na Sab titigil ko na. Tara sa kusina luto nalang tayo ng spaghetti ^_^" nakangiti nyang sabi at nauna ng maglakat papunta sa kusina kaya sumunod nalang ako. Hindi man lang natakot nung tiningnan ko ng masama, ganyan naman siya lagi ehh hindi katulad ni Rocco at ni David na namumutla kapag tinitingnan ko ng masama.
TEKA NGA! Bakit ko ba sinasabi? dati puro yun lang sinasabi ko ah?! aish! Mukhang may hindi maganda ahh...
Nararamdaman kong tinititigan ako ni Alexa, ano problema nito?
**
Alexa's POV
Tinititigan ko si Bhessy na ngayon ay nakaupo kaharap ko sa mesa. Mukhang malalim iniisip nito ah.
"Don't you know that staring is rude?" biglang salita ni Sab. Iniwas ko agad tingin ko at pinagpatuloy ang pag handa ng mga ingredients para sa lulutuin ko, langya! Hindi naman siya nakatingin sa akin eh?! Pano nya nalaman?! Aish! Minsan Nakakatakot yang si Sab ehh.
"What are you thinking this time? I don't like your expressions." Abat-! ano ba yang si Sab!
"Wala ah! iniisip ko lang kung ano yung iniisip mo. Kanina ka pa mukhang bothered eh, ang hirap mong basahin." totoo naman ehh. ang hirap nyang basahin kasi kahit na lutang sya minsan wala paring emosyon na pinapakita.
Tumahimik naman siya kaya naptingin ako sa kanya at- ayan na! Seryosong nakatingin sa cheese na hinihiwa ko. Isa lang ibig sabihin nyan, naglalaway na yan deep inside. Pano ko nalaman? Eh kasi paborito nya ang cheese. Lahat ng may makitang cheese binibili nyan. pffft! Nakakatawa lang kasi kapag yung iba ang nasa posisyon nya ay nagniningning na ang mga mata sya iba eh, seryoso lang ang pagkakatingin nya. :D adik lang..
Binilisan ko agad ang paghiwa sa cheese at inilagay sa ref, hehehe. Mabuti nang safe yun :) tiningnan nya lang ako at nag iwas na sya ng tingin.. Yiiiee! Kahit di nya aminin nahihiya yan ngayon.. hehehe!
Nong matapos na akong magluto ng spaghetti with mushroom, kumain na agad kami. Paborito ko to ehh. Tinatanong kung saan kami kumuha ng ingredients? Binili namin sa parang mini mart dito sa loob ng campus, doon mo lahat makikita ang kailangan mo at gusto mong bilhin, ang astig diba? di na namin kailangang lumabas para mamili, atsaka bawal din naman lumabas ehh. kapag holidays lang.
pagkatapos naming kumain ay napag desisyunan namin ay ako lang pala, na dalhan ng pagkain ang dalawa sa kabilang room. Sumunod lang naman si Sab, pero sya bumitbit ng spaghetti eh kasi may dala din ako... :) ano yung dala ko? Unan at teddy bear ko! hihihi! makikinood kasi ako dun ng movie ehh. at sanay akong magdala ng unan at teddy bear pag nanonood ng movie. ^__^ kasi lagi akong inaantok pag nanonood TT^TT di ko tuloy alam ang ending ng Movie inuulit ko nalang pag nagising ako... :D
Pagbukas ng pinto...
"NAVARRO!!! TANG*NA!! SABI KO NG WAG MO NANG SUBUKANG MAGLUTO!! KITA MO NANGYARI!!" napangiwi ako sa sigaw ni David. Kung ako siguro sa kalagayan nya ngayon sisigaw din ako with matching labas ngala-ngala.
Pano ba naman eh yung niluluto ni Rocco sa kawali umaapaw yung sabaw hanggang sahig tapos yung mangkok na crystal sa loob ng microwave basag. pano ba naman nilagay sa loob yung mangkok. langya! buti sana kung pyrex yun hindi mababasag.. psh! hindi nag iisip tong si Rocco ehh.
"STOP THAT" walang emosyong wika ni Bhessy. Ano pa bang bago? eh lagi namang walang emosyon yan.
Napatigil naman ang dalawa at napalingon, bigla namang sumaya mga mukha nila. psh! Nakatingin sa pagkain eh.
**
Sab's POV
"Oh babes! Andito pala kayo! Dinala mo ba yan para sakin? Sabi ko na nga ba't mahal mo na rin ako eh, tulad ngayon pinagluto mo pa ako. ^___^" Todo ngiting sabi ni David. aish ewan ko sa lalaking to. Kinuha nya agad ang Tupperware sa akin at nagdikit ang balat namin at..
*LUB DUB.. LUB DUB.. LUB DUB..*
Eh? Ano yun? Bakit parang bumilis yung t***k ng puso ko? Hindi naman ako kinakabahan?! Bakit ganun?! Wala din naman akong naramdamang ibang presensya.. Aishh! Ang g**o ha.. Pinilig ko nalang ang ulo ko at naglakad papunta sa couch at umupo.
"Alexa cooked that." simpleng sabi ko. Nakita ko namang nagmamadaling naglilinis ng dumi at kalat si rocco dahil sa katangahan nya at si Alexa busy na sa paghalungkat ng dvd's at isinalang para manood.
"Penge!!" napalingon ako ng magsalita si Rocco na kakatapos lang maglinis, Nanghihingi pala ng spaghetti kay David na todo kain parin. buti nalang madami ang dala namin. psh!! mga lalaki nga naman kumain.
Binaling ko nalang ang atensyon ko sa pinapanood ni Alexa. The Cojuring pala pinapanood.
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!"
"WAAAAAAAAAAH!!!"
"asdfghjkl!" ako yan..ano ba yan! ang ingay lang. napamulat ako at nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si David na nakangiti sa akin..
*LUB DUB.. LUB DUB.. LUB DUB..*
ayan na naman! ngumiti lang naman si David ah?! dati hindi ko naman to nararamdaman ehh.
napatingin ako sa kabilang couch at nakitang magkayakap si Alexa at Roco.. tss! manunood ng horror movies tapos sisigaw sigaw sa takot. sila pala yung maingay kanina. patapos na kasi yung movie. medyo matagal na pala akong nakatulog, napatingin ako sa katawan ko may kunot na ako at..
Eh?? may unan sa lap ni david.
"Nakatulog ka kasi kanina kaya dinalhan kita ng unan at kumot, mukhang nilalamig ka kanina eh" pagpapaliwanag ni David.
So it means sa lap nya ako natulog? Kinumutan nya pa ako? at.. urghhhhh!! nakakahiya.
*LUB DUB.. LUB DUB.. LUB DUB..*
O////////////////////////O Peste lang! Umiwas agad ako ng tingin dahil naramdaman kong parang uminit ang mukha ko.. Kailan pa ako natutong mag blush?!!
Pero hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari sa puso ko kanina, bakit ganun? aish?!! Hindi na talaga maganda ang nangyayari.. kailangan magawan ko to ng paraan..
I'm so confused!!!!
**End of Chapter 7**