Chapter 11 Start of the Proper Training ** Sab's POV Nagising ako dahil may naramdaman akong humihila-hila ng kumot ko. Pagmulat ng mata ko ay nabungaran ko si Baby Ice na kagat-kagat at hila-hila ang kumot ko. Pinat ko nalang ang ulo niya atsaka bumangon. Pagtingin ko sa wall clock sa dingding 2:30 AM na pala. Mukhang alam ni Baby Ice na may training kami mamayang 3:00am ah. Pumunta nalang ako sa kusina at binigyan siya ng pagkain.. "Thank you sa pag gising Baby Ice." sabi ko sa kanya "Arf! Arf! Arf!" sagot naman niya atsaka nilantakan na ang dogfood niya. Naligo nalang ako at inayos ang bag na dadalhin ko sa training. After 20 minutes ay tapos na ako sakto namang tapos na din si Alexa. We have 10 minutes left para pumunta sa lugar kiung saan kami pinapapunta. After 5 minutes ay n

