Chapter 15 Proper Training 3 ** Sab's POV Papunta na ako ngayon sa Underground Arena para sa last proper training. Sana naman hindi na masyadong mahirap kagaya ng 2nd training. Hindi ko na gustong maranasan ang p*******t ng katawan nuh... Tungkol pala dun sa nangyaring pagsugod ng taga Blaze Clan, pagkaalis pala namin ay nagsiatrasan na sila. Ako pala yung pinunterya nila. Pero bakit ako? Ano naman ang kailangan nila sakin? Hayyy.... minsan nagtataka na talaga ako. Pagdating ko sa Underground Arena ay naghihintay na si Henry sa akin. Well, ano pa nga bang bago? "Oh Sab, mabuti at dumating ka na. Ito na ang huli mong training." "Okay...." "Marunong ka nang mag sarado ng isip mo. Hindi ko na nababasa. Pero tuwing galit ka at pinapairal mo ang mga emosyon mo ay nababasa ko pa. Yan an

