Sumugod ako sa tambayan nila sa long break ko ng hapon. Akala niya ba papalagpasin ko 'yung ginawa niyang pang-iiwan sa akin?!
"Hoy Joshua Arsenas!" Nagulat ang mga slayer sa sigaw ko. Nakaupo si Josh sa sofa habang kumakain ng ubas at nanunuod ng basketball. "Akala mo ba ikina cool mo yan? Mukhang kang pharoah na walang alalay!" Humarap siya sa akin ng seryoso at pinatay ang TV.
"Labas!", sigaw niya at lumabas agad ang mga slayers na nasa tambayan. "What do you want?"
"You actually don't know why I'm mad?!"
"No."
"You left me without saying a word! Alam kong magkagalit tayo kahapon pero yung iwanan mo ako tapos hindi ka magsasabi, that's beyond evil!"
"Bakit? Nakauwi ka naman ng maayos ah."
"Thanks to Job!", sabi ko. "Kung wala siya, hindi ko na alam gagawin ko. Buti pa siya nandiyan parati."
"Eh di sagutin mo na siya."
"Sasagutin ko talaga siya!"
"Sige!" sigaw niya at tinapon ang plato ng ubas sa sahig. Tumayo siya at lumabas na din ako ng tambayan. Nag-iinit dugo ko sakanya! Hindi ko alam kung anong nasa isip niya!
Lumabas ako ng Gang Building at pumuntang University grounds para magpahangin. Sa di kalayuan, nakita ko si Zed at si Job na nakatayong nag-uusap.
Odd, magkasama 'yung dalawa eh hindi naman 'yun close ah. Lalapit na sana ako nang bigla silang nagsuntukan.
"Hoy! Tama na!", sigaw ko habang tumatakbo papalapit sakanila. Walang ibang estudyante o guard sa paligid.
Hindi pa rin sila tumigil, parang hindi nila ako naririnig. Hinawakan ko si Job sa likod para awatin pero natabig ako ni Job at napaupo.
"Cass, ok ka lang? Kasalanan mo to Zed!", sabi ni Job tapos bumalik sila sa pagsusuntukan hanggang sa marinig na namin ang pito ng guard.
"Tama na! Ano ba? Ang akala ko kaya kayo magkasama kasi magkasundo na kayo?! Tapos ito ang madadatnan ko?! Bakit ba kayo nag-aaway?!", tanong ko habang nakaupo pa rin sa sahig.
Hindi pa rin sila nagpaawat, medyo kumalma ang dalawa nang guard ang umawat sakanila. Nagbabantaan pa rin sila habang ako sinusubukang tumayo. Ni wala man lang tumulong sa akin, pambihirang buhay to.
Sa pangatlong attempt ko, may biglang bumuhat sa akin through lover's carry.
"Josh?", sabi ko. Seryoso siyang naglakad. Huminto na ang dalawa pero dadalhin ata sila sa discipline office. Hindi nagsasalita si Josh at dinala ako sa clinic.
"Anong nangyari?", tanong ng school nurse. Sabi ko na mukhang na sprain ko 'yung ankle ko.
Nilagyan niya ng ice pack ang ankle ko at sinabihang ipatong lang doon muna at ipahinga ko. Iniwan niya kami sa isang room ni Josh.
"Thank you.", sabi ko.
"Masakit ba?", tanong niya habang nakatingin sa ankle ko.
"Hindi naman na masyado."
"Black belter ka pero hindi mo ma-maintain stance mo? Natabig ka lang, natumba ka agad? ", tanong niya at umiiling. Ayan nanaman siya. Parang mas matindi pa siyang critique kaysa sa coach ko ah.
"Kung ibabase natin sa punto mo, ibig mo bang sabihin hindi pwedeng malunod and mga swimmers?", tanong ko. "Teka, nakita mo yon?! Anong ginagawa mo sa labas?!"
"Hinabol kita.", sabi niya nang nakatingin sa mata ko.
"Bakit?"
"I'm sorry I left you yesterday. Something came up and I had to leave, namatay phone ko."
"I'm not sure if I'm going to believe you but hearing you say sorry is good enough for me. Nakabawi ka na ngayon so okay na yon.", sabi ko. Hindi na siya sumagot. Ilang minuto pa ginalaw galaw ko ang ankle ko at medyo bearable na ang pain. Na miss ko ang dalawang klase ko.
"Wala ka bang klase?", tanong ko sakanya.
"Wala.", sabi niya.
Mukhang okay na 'yung paa ko. Sinubukan kong tumayo at dali-dali niya akong inalalayan.
"Hep hep, kaya ko nang tumayo. Huwag mo akong hahawakan.", sabi ko pero hindi niya ako binitawan.
"Ang arte mo talaga, sige!" Binitawan niya ako bigla na napa-upo uli ako sa kama. Napaka moody talaga nitong gangster na 'to. "Tumayo ka, huwag kang hihingi sa akin ng tulong pag nalaglag ka!", sabi niya nang naka smirk.
"Hindi talaga!" Tumayo ako, masakit padin pero kaya kong tiisin alang-alang sa pride ko. Sinubukan kong huwag ipakita sa expression ng mukha ko na masakit.
Naglakad kami palabas ng clinic, at sa pintuan palang, parang 'di ko na kaya.
"Ayan kasi, ang taas ng pride. Manigas ka"
"Walanghiya ka talaga Joshua! Hindi mo man lang binuhat si Cassie!", isang boses ng babae ang nagpatigil sa amin lumakad. Si maam Lea.
"Eh ayaw niya eh, ang arte arte."
"Ok lang po Maam Lea, kinaya ko naman po eh." Nagulat ako nang binuhat ako bigla ni Josh.
"Iuuwi ko lang 'tong girlfriend ko.", sabi niya kay Maam Lea na nagulat din.
"Tanga ka ba, baka may makarinig!"
"Eh di marinig nila.", sabi niya. Nagtitinginan sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin.
"Gago ka ibaba mo ako.", sabi ko ng pabulong. "Ay wala 'to, community service! Community service!", sigaw ko sa mga taong nakakasalubong namin.
Dinala niya ako sa tambayan nila. Babalik nanaman ako dito. "May tatapusin lang ako, ihahatid na kita. Don't go anywhere.", sabi niya.
Saan ako pupunta eh hindi nga ako makalakad?! Umupo ako doon at sumandal. Nakakaantok. Hindi ko namalayang nakatulog ako.
Nagising ako sa mahina at mainit na hanging dumampi sa mukha ko. Pagkamulat ko ng mata, nakita ko si Josh, nakatayo sa harap ko. Madilim na sa labas!
Tinignan ko ang orasan at maga-alas sais na ng gabi. "Bakit 'di mo ako ginising?!"
"Tulog na tulog ka eh."
"Kahit na! Akala ko ba may gagawin ka lang?"
"Huwag ka nang high blood, tara na.", sabi niya. Inalalayan niya akong tumayo at maglakad.
"Alam mo, you are so unpredictable. One moment you're angry and one moment you're carrying me like you're actually worried." Tumingin siya sa akin at tumigil kami sa paglalakad, medyo malapit ang mukha namin. "What?"
"I am worried.", sabi niya nang seryoso. Bumilis t***k ng puso ko. Hoy puso stop. Naririnig ko ang mga crickets sa paligid. "Baka hindi mo magawa mga nasa kontrata.", sabi niya at naglakad kami uli.
"Ulol.", sabi ko ng mahina pero loud enough para marinig niya.
'Yung lakad na yata na 'yon papunta sa sasakyan niya ang pinakamatagal na lakad sa buhay ko.