Naglakad ako papunta sa loob ng katabing mall habang maya't maya'y natatapilok dahil sa heels. Dumaan ako sa shortcut para mas mabilis akong makapasok. "Hi miss, bakit ka umiiyak?", sabi nung isang tambay. Inirapan ko lang siya at naglakad. "Miss, delikado, samahan na kita." Hinawakan niya ako sa baywang pero tinulak ko siya. "'Wag mo akong hawakan." "Ang sungit mo naman miss, hahawakan niya na sana ko ulit nang may sumipa sakanya hanggang sa mapaupo siya sa sahig. Si Josh. "Gago ka ba?!", galit na tanong ni Josh doon sa tambay. Susugod na sana ulit siya pero pinigilan ko. "Takbo na kuya dali!", sabi ko at tumakbo siya. Baka kung ano pang magawa nitong si Josh. "Okay ka lang?", tanong niya sa akin nang seryoso. Okay lang ba talaga ako? Naramdam kong unti-unting nanggigilid ang mga

