Tahimik ang gabi. Walang ibang maririnig sa loob ng malawak na mansyon kundi ang mga munting tiktak ng antique clock sa hallway at ang kaluskos ng basahan habang pinupunasan ko ang sahig sa harap ng silid ni Don Quixotte.
“Alas nuebe na,” bulong ko sa sarili habang pinipiga ang basang basahan. “Dapat tapos na ’to.”
Pero bago ko pa man matapos, bigla akong napalingon. Nandoon siya—si Don Quixotte. Nakasuot ng puting robe, bahagyang nakabukas ang dibdib, at may hawak na baso ng alak. Ang buhok niya'y magulo pa, para bang kararating lang mula sa balcony. Tahimik siyang nakatayo sa tabi ng pintuan, nakatingin sa akin na para bang ako ang huling lihim na hindi pa niya nasusulat sa kanyang nobela.
“Hindi mo na kailangang punasan ’yan, Mira,” bulong niya.
“Po?” napatayo agad ako at halos mabitawan ang basahan.
“’Yung sahig. Pwede namang bukas na lang. Halika rito,” mariin niyang sambit, ngunit hindi marahas—parang iniimbitahan ako sa isang mundo na siya lang ang may susi.
Lumapit ako, bagamat may kaba. “Don Quixotte, baka po marumihan ulit bukas ‘to. Sayang naman kung—”
“Hindi ko kailangan ng malinis na sahig ngayong gabi,” putol niya sa akin, habang bahagyang inilapag ang baso sa console table. “Kailangan ko... ng kasama.”
Napatigil ako. Hindi dahil sa kabastusan—wala siyang sinabi na mali. Pero may bigat sa tinig niya, at sa paraan ng pagtingin niya sa akin, alam kong hindi lang ito tungkol sa pagiging amo at katulong.
“Bakit po ako?” mahina kong tanong, pilit umiwas sa tingin niya. “Ang dami pong tao sa mansyon—‘yung mga kaibigan niyo, mga bisita…”
“Hindi ko sila kailangan, Mira,” sagot niya, paunti-unting lumalapit. “Ikaw ang gusto ko. Palagi kitang hinahanap kahit hindi kita nakikita. Kahit simpleng kaluskos mo sa kusina—alam kong ikaw ‘yun. Hindi ko na kailangan ng maraming dahilan.”
Huminga ako ng malalim. Pilit ko pa ring kinakalma ang t***k ng puso ko. “Don Quixotte, baka po mali ito. Katulong lang ako. Alalay lang—”
Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig pa. Mainit ang palad niya, at mahigpit ang pagkakahawak—hindi nananakit, pero hindi rin niya ako pinapalaya.
“Hindi ka lang basta alalay, Mira. Ikaw ang tahimik kong sandalan. Kahit noong mga gabing lasing ako at wala akong ibang maalala kundi ang sarili kong anino—ikaw pa rin ang nandoon. Sa mga maingay kong gabi, ikaw ang katahimikan.”
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Tahimik na lang akong nakatingin sa kanya, habang ang buong paligid ay parang huminto. Tanging siya, ako, at ang lamig ng hangin mula sa bukas na bintana ang gumagalaw sa gabing ‘yon.
Bigla siyang ngumiti. “Natatakot ka ba sa akin, Mira?”
Umiling ako. “Hindi po.”
“Good. Kasi kapag may lumapit sa ‘yong iba—lalo na si Jericho na laging nakangiti sa’yo sa kusina—baka mapikon ako.”
Napangiwi ako at napatawa. “Nagseselos po kayo?”
“I’m possessive,” amin niya habang hinihila ako palapit, at ang pagitan naming dalawa ay halos wala na. “Hindi ako marunong magpakita ng damdamin. Pero kapag sa’yo, Mira, parang gusto kong matutong lumambing. Kapag may humawak sa’yo, parang gusto kong ipaglaban ka. Kahit pa sa dami ng kasinungalingan sa paligid, alam kong totoo ang nararamdaman ko sa’yo.”
“Don…” mahina kong sambit, pero bago ko pa maituloy, inilagay niya ang kanyang daliri sa labi ko.
“Tawagin mo na lang akong Quix,” bulong niya. “Kapag tayo lang.”
Tumango ako. “Quix…”
Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kamay niya. “Lagi kang masipag. Lagi kang tahimik. Pero alam kong napapagod ka rin. Kaya ngayon, wala kang gagawin. Uupo tayo sa harap ng fireplace. Magkakape. Magkukuwento. At hayaan mong ako naman ang mag-alaga sa’yo.”
Napatingin ako sa sahig, saka muling tumingin sa kanya. “Puwede po bang sandali lang?”
“Hindi sandali,” sagot niya. “Gusto kong... gabi-gabi.”
Kinabig niya ako palapit, at sa gitna ng malamig na hallway ng mansyon, niyakap niya ako ng buong higpit. Hindi ako makagalaw—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa isang uri ng katiyakang matagal ko nang hinahanap.
“Wala kang dapat ikahiya, Mira,” bulong niya sa tainga ko. “Sa dinami-rami ng kagandahan sa mundo, ikaw ang pinili kong titigan.”
Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Hindi ako sanay sa ganito. Pero sa mga palad niyang tila laging handang humawak, at sa mga titig niyang tila ako lang ang laman ng gabi—baka, oo nga. Baka mahalaga rin ako sa kwento ng isang Don Quixotte.
At sa unang pagkakataon, hinayaan kong ako naman ang maging bida sa isang gabing hindi ko inaasahan.
Ilang sandali pa ay umakyat na kami papunta sa kanyang silid. Inaantok na rin ako, but he's here, beside me at hawak-hawak ang waistline ko ng kanyang malambot at mainit na mga palad. From this moment, parang nakalimutan king katulong lang ako sa mansyon ng mga Quixotte.
Pagkapasok namin sa loob ng kwarto niya at nagulat ako ng bigla niyang nilock ang pinto.
“Oh…” reaction ko. “Bakit mo naman ni lock ang pinto, Quix?”
“Ayaw ko ng istorbo kapag kasama kita, Mira. Gusto kong… sayo lang ang isip ko.” Sabay ngumiti siya. Kakaibang ngiti na hindi ko maipagkakailang nagpainit ito sa katawan ko. “At sakin ka lang din…”
“Ahh…ehh… siguro sa ibaba nalang ako matutulog, Quix…”
“No…” At lumapit siya sa akin sabay hinila niya ako papalapit sa kanya. Halos magkadikit na ang aming katawan habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin. Para akong tinutunaw nito. “I want you… here with me tonight, Mira…” Sabay nakay ng isang malutong na halik sa aking mga labi.
Gulat na gulat ako at hindi makagalaw. Pinakiramdaman ko lang ang sitwasyon sa paligid. Ang lambot ng mga labi niya, ang bango ng kanyang bibig, at ang gentle ng kanyang mga halik.
Naulirat ako at naitulak ko siya bigla.
“A-anong ginagawa mo, Don Quixotte?” Tanong ko at hindi maipagkakaila ang pagkabigla.
“Bakit? Ayaw mo ba akong makasama, Mira?” Tanong niya pagbalik sa akin. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
“Hindi naman sa ganon, Quix…”
“‘Yon naman pala eh. Besides, don't worry dahil kasama naman ito sa work mo. You are my alalay and isa sa mga trabaho mo ay ang pasayahin ako…”
“Do–Don…”
I couldn't resist it. The charm. The allure. Everything in him seems like pulling me closer.
“Come here… Mira. Make me the happiest man in the world.”
“Your wish is my command… Quix,” Hindi ko alam na nasabi ko na pala ‘yon. Para bang alam na alam niyang anytime ay makukuha niya ako.
At sa totoo lang, hindi ko kayang pigilan ang sarili kong sundin si Don Quixotte dahil sino ba naman ang sayaw sa isang charming at hot na Don, diba?
I promise to myself na gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang si Don Quixotte. Ay nangangako akong anuman ang gusto niyang gawin ko ay gagawin ko.
He's my boss. I am his slave. He owns me. He conquers me. Anything that I have is his, and I have no reason to defy him.