Tahimik lang si Miko habang hinihintay naming dalawa ni Mirl na mag-ayos siya sa upuan. Wala pa ring gaanong expression sa mukha niya pero iba na ‘yung pakiramdam ko. Hindi na siya ‘yung batang tulalang parang palaging naglalakbay ‘yung isip kung saan-saan. Ngayon, kahit pa-pano, ramdam kong nandito na siya. Unti-unti na siyang bumabalik sa amin. Si Mirl naman, kahit naka-heels at naka-Gucci pa sa mansion, parang biglang naging full-time spy. Nakahawak sa notepad at ballpen na parang may ini-interview. "Alright," ani Mirl habang tumingin sa amin ni Miko. "We need a plan. But first, we need full details. Miko, do you remember what you saw that day?" Tahimik si Miko for a moment, tapos tumango siya. Ang tagal niyang walang sinasabi kaya halos pigilin ko ‘yung hininga ko. Hanggang sa… nags

