Zacharias' POV
Mula ng dumating ako dito mga ilang buwan na ay naninibago ako sa buhay na meron ako ngayon,kasama sina Ante Melody at Amara.
Matapos ilibing sina Mama at ang kapatid kong si Mitchy doon sa hacienda ay sinama agad ako nina Ante dito sa Maynila.
Ilang buwan din akong nagluksa sa pagkamatay nila,si Papa ang suspect sa malakihang sunog sa hacienda nina Sir David na hanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan kung saan nagtatago.
Tahado pa rin ako hanggang ngayon sa asawa ni Ante Melody,marahil ay dahil sa anak ako ng dahilan sa pagkasunog ng hacienda na muntikan ng ikawala nina Ante at baby Ami kaya hindi gaanong maganda ang pakikitungo sa akin ni Sir David, sa katunayan ayaw nga nitong tawagin kong Uncle dahil si Ante lang daw ang may karapatang tumawag sa kanya ng ganun sa loob ng bahay.
Naiintindihan ko naman ito,inako ko ang kasalanan ng ama ko kahit habambuhay ko pang pagsilbihan ang pamilya ni Ante Melody ay malugod ko itong tatanggapin.
"Zaki putulin mo na rin yung dulo!" sigaw ni Mang Eking ang matagal ng katiwala at driver ng pamilya Cervantes.
Nasa itaas ako ng puno ngayon ng mangga sa likod ng mansion nina Sir David,tinulungan ko si Mang Eking,matanda na ito at hirap ng makaakyat,sanay ako sa ganitong gawain sa probinsya namin kaya madali lang sa akin ang pag akyat ng mga puno,sa edad kong sampu matangkad na din ako,marami nga na mga kapitbahay namin sa probinsya napagkamalan ako kung anak ba daw ako ng banyaga dahil sa iba kong hitsura at tikas ng aking katawan na wala raw akong nakuha sa aking mga magulang,sabi naman ni Mama pinaglihi lang daw niya ako sa banyaga noon na nag shooting sa lugar namin.Sabi din ng Ninang ko sa dati naming tinitirhan ay may banyaga daw noon na kapag wala daw si papa ay lihim na nakipagkita si Mama,haka-haka ĺang naman lahat ng mga yun,umabot na ako sa edad na sampu ay hindi naman ako pinagbuhatan ng kamay ni Papa,kahit maraming illegal na ginagawa sila ni Mama sa bawat lupain na aming binabantayan ay hindi naman ako nito pinipintasan kung totoo mang hindi niya ako tunay na anak. Mas masahol pa nga ang pakikitungo ni Mama sa akin kaysa kay Papa,kaya ipinagwalang bahala ko na lang ang mga haka-haka nila at mas pinaniwalaan ko si Mama.
"Mang Eking saan pa banda ang putulan?" sigaw ko sa kanya sa baba may pagka bingi kasi ito kaya dapat lakasan ang pagtawag sa kanya.
"tama na yan Zaki bumaba ka na at ng makapag meryenda na sa loob" sigaw nito,tinalon ko ang kabilang sanga para makababa na ako,nahintakutan pa ang matanda habang nakatanaw sa akin na nakalambitin sa bawat sanga.
"Zacharias mag dahan-dahan kang bata ka naku! baka mahulog ka dyan!" tinawanan ko lang ito,hindi niya kasi alam na sanay na ako nito,sampung taon pa lang ako ngunit batak na ang aking batang katawan noon sa pgbubukid lalo na ang pag akyat ng mga puno ng niyog,may binabantayan kami noong isang hektaryang lupain na puro niyog,maraming ilegal na gawain ang aking mga magulang na disgusto kong gagawin lalo na ang magnakaw sa mga binabantayan nilang lupa.
Ngunit wala akong magawa para tutulan sila bata pa lang ako at ang mahalaga lang sa akin ay ang makakain kami sa araw araw,kinukutya man kami dahil sa asal ng aking mga magulang sa mga maling pinanggawa nila ay yuko na lamang ako na sumunod sa mga utos nila noon sa akin.
Nakaupo lang ako ngayon sa may gilid ng mangga nagpapahinga muna,naalala ko na naman ang sinapit nina Mama ganitong ako lang mag isa, halos gabi-gabi akong lihim na umiiyak sobrang na miss ko lang sila idagdag pa na hanggang ngayon wala akong balita kay Papa kung saan ito nagtatago. Kailan pa kaya ako makapag move on sa sakit dala ng trahedya nila.
"Kuya Zaki" hindi ko napansin na nandito na pala sa harapan ko si Amara,kung hindi niya lang ako niyakap di ko ito namalayan sa lalim ng aking iniisip.
"baby Ami" malungkot ang aking mga mata na sinalubong ko rin ang yakap niya,malambing sa akin si Amara mula pa nung unang salta namin doon sa hacienda,nakagaanan niya agad ako ng loob ganundin ako sa kanya,madalas mas kinakampihan ko pa ito kaysa kapatid kong si Mitchy,sa tuwing naiisip ko ang pumanaw ko ng bunsong kapatid ay sumasakit ang aking dibdib,hindi kami close sobrang maldita kasi yun, bigla niya lang sinasabunutan si Ami kahit wala naman 'tong ginagawa sa kanya kaya nagagalit ako. Kung alam ko lang na maikli lang pala ang buhay ng bunso ko ay siguro lalambingin ko rin ito,pero huli na ang lahat,wala na sila hindi ko na sila makikita pa habambuhay.
"kuya Zaki iyak ikaw?" malungkot ang mukha ni Amara na pinagmasdan ako na nakayakap pa rin sakin.
"wala baby napuwing lang si kuya" saad ko na tinago ang luhang nagsimula ng pumatak.
"Kuya play ako doll oh" nginitian ko siya na pinakita ang kanyang bagong manika.
"ang cute naman ng doll kamukha ng baby Ami ko." habang nagpupunas ng luha para hindi niya mahalata,matalino si Amara kahit 3 years old pa lang ito alam siguro niya na malungkot ako kaya dinalhan niya ako ng mga laruan niya para ngumiti ako.
"My doll looks like me kuya" humarap siya sa akin na itinabi sa mukha niya ang dala niyang manika dahil magkamukha daw sila.
"may sipon ka ba baby?" tanong ko madalas kasi itong humihingos,kinuha ko ang aking bimpo na bitbit ko kanina habang nagpuputol ng mga sanga sa puno ng mangga.
Pinahiran ko ang kanyang ilong sa aking bimpo,kinuha ko rin ang kanyang pantali sa buhok na nasa kanyang kamay.
"talikod ka baby talian ko buhok mo,hwag kang magpainit sinisipon ka" payo ko sa kanya,pinatalikod ko ito para talian ang alon- alon niyang buhok,madalas kasi kapag nasaan ako,andun din ito buti nga kanina habang nagpuputol kami ng mga sanga sa likod ay umalis sila para sa regular check up ng bagong silang na anak nina Ante at Sir David,tiyak akong susundan na naman ako ni Amara masyado pa namang mainit kanina.
"Ami..Ami.." dinig ko si Ante Melody na tinawag si Amara.
"baby tawag ka na ng Mommy mo sige na mainit dito mas lalo kang sisipunin,sabihin mo sa Mommy mo ha para makainom ka ng gamot sa sipon,susunod na ako sa loob mamaya tatapusin ko lang 'tong linisin" sambit ko,tumango naman ito at kumalas na ng yakap sa akin.
"kuya kain cake tayo pasok mo ha" nginitian ko lang ito at sumang ayon,nagtatakbo pa ito papasok sa loob kaya sinigawan ko.
" hwag kang tumakbo baby baka madapa ka" lumingon ito saglit at naglakad na,ito ang gusto ko kay Amara sinusunod nito ang bawat payo ko, pagkaalis ni Ami ay tumayo na rin ako para damputin ang mga sanga ng kahoy na nahulog at pag pira-pirasuhin.
"HAPPY birthday Zaki...Happy birthday Zaki,Happy birthday,Happy birthday Happy birthday Zaki.." inaawitan ako dito sa loob ng mansion na bagong bili ni Uncle David,ika 12 taong gulang ko na ngayon,at naghanda sina Ante at Sir David ng catering foods galing sa restaurant na pag aari nila.
"Salamat Ante,salamat po sir David" buong pusong pasasalamat ko sa kanila.Ngumiti si Ante at niyakap ako.
"Zaki e blow mo na ang cake"
"Mommy ako mag ng blow cake" kandong ko ngayon si Amara habang nag bo blow kami ng cake.
"sabayan mo na lang ang kuya Zaki mo mini" saad ni sir David,kaya kaming dalawa ni Amara ang nag blow ng cake
"yeheey" palakpakan ni Amara at nina Ante pagkatapos naming mag blow.
"Happy Birthday Kuya Zaki" hinalikan ako ni Amara sa pisngi na bumabati.
"Thank you baby" tugon ko na naghiwa ng cake at sinubuan ko ito.
"Zaki may surprisa kami sayo" nabigla ako sa sinabi ni Ante na may surprisa daw sila sa akin.
"Zacharias simula sa lunes mag aaral ka na ulit,inenroll na kita grade 4,doon sa paaralang pinasukan ni mini,malapit lang ang elementary department at ang kindergarten department kaya matatanaw mo lang palagi si mini" walang pagsidlan ng aking tuwa sa sinabi ni Sir David na pag aaralin nila ako ulit at doon pa talaga sa pinapasukan ni Amara,nasa kinder 2 pa lang si Ami, alam kong sobrang mahal doon dahil puro mga anak mayayaman ang halos nag aaral doon.
"po? salamat po sir David,Ante Melody" naluluha kong sambit sa kanila,di ko akalain na pag aralin din nila ako,nahinto kasi ako sa pag aaral nang lumipat kami sa hacienda,dahil sa hirap ng buhay namin sa probinsya,kaya pati pag aaral ko ay apektado.
Pasalamat din ako na unti-unti ng nakagaanan ako ng loob ni sir David sa halos dalawang taon ko ng pagtira dito,hindi ako nagpakita ng kapintasan,ayaw pa nga ni Ante Melody na tumutulong ako sa gawaing bahay at kay Mang Eking dahil anak din daw ang turing nila sa akin hindi ibang tao,pero dahil nakasanayan na ng katawan ko ang walang ginagawa kaya inignora ko lang ang mga habilin ni Ante, sa ganitong paraan man lang ang makatulong sa mga gawain sa loob at labas ng mansion ay masuklian ko ang mga kabutihan nila sa akin.
Nandito ako ngayon sa harap ng mansion nagka cutting gras nang bigla akong binulaga ni Amara.
"kuya Zaki punta kami kina Elizabeth" aniya,si Elizabeth ay anak ni Uncle Hugo,nagsi swimming lesson si Amara doon kasama ito
"tingnan mo damit ko kuya Zaki o bikini ako" nakasuot ito ng bikini na may cover na baby maxi dress,bata pa ang hilig ng magsuot kaya pinapagalitan lagi ni Sir David.
"Ay ang ganda ng baby Ami namin sa suot na bikini" gustong-gusto nito na hinahangaan siya dahil maganda daw siya.
"I can be the next Miss Universe" taas noo niyang sambit,sana talaga tumangkad siya kapag mag dalaga na,tabain kasi ito at pandak kaya inaasar ko rin minsan.
"ay oo sure na sure na mananalo baby Ami namin sa Miss Universe..kaya lang Miss Universe sa palengke wehehehe" namumuro agad ang kanyang mukha sa biro ko,kumuha agad ng walis at hinabol ako,minsan ko lang naman siya aasarin kapag trip ko lang naman tulad ngayon, nauna kasi ang tyan niya sa taba na naka bikini kaya pinagtatawanan ko hahaha.
(author's note: tawanan mo lang si baby Amara ngayon kuya Zacharias dahil 10 years from now patitikirin na nya mata mo😂😂🤭😝)