Zacharias POV Nasa bayan na kami ni Zara,ang plano ko sanang dumaan at makitulog muna kami ng isang gabi sa kubo ni Mang Oscar ay hindi ko na lang tinuloy sa nasaksihan ko sa loob ng ancestral house ng hacienda Cervantes ay wala na akong planong magtagal pa sa lugar na ito kahit oras man lang. Ang tanging hangad ko ngayon ay makaalis agad kami ng anak ko at simulan ang paghahanap sa tunay kong pamilya. "Papa eat" kinuha ko ang pinabaong biscuits ni Aling Merced kay Zara,pinadede ko muna siya kanina sa bibiron bago namin tinahak ang hacienda minsan nagta tantrums ito kapag hindi agad nakainom ng gatas. "hungry na angel ni Papa" kumuha ako ng isang pirasong biscuits para isubo sa anak ko. "ay naku walang makakapasok ngayon doon sa hacienda dahil kasal ng anak ni Gobernador at ang nag iis

