Amara's POV "Saan ako?nanginginig ang aking katawan,naamoy ko rin ang aking sarili,malansang amoy dahil sa ilang araw kaming naglakad kasama ang lalaking nagbihag sa akin. "Señorita!" bumungad sa akin ang masayang mukha ni Cael "salamat at gising ka na" "Cael nasaan ako at paano ako napunta at nasaan ang" nalilito ako sa nangyari bakit wala na naman akong maalala at kung bakit si Cael ang nabungaran ko "Señorita ligtas ka na kaya wala ka ng dapat na ikatakot niligtas ka ng Red hawk team under the leadership of Captain Sandoval" nakangiti niyang sambit,nakatingala lang ako sa kanya na maliwanag ang mukha. "gutom ka na ba Señorita ipaghahanda kita,pasensya ka na sa kampo namin dito" "bakit saang lugar ba ito Cael?" "nasa parte pa rin tayo ng Visayas Señorita,pero hwag kang mag alal

