Zacharias' POV Kanina pa ako nagpi planer dito sa gilid ng gusaling aking pinagtatrabahuan ngunit wala ang aking atensyon dito kundi sa sinabi ni Papa bago kami umalis kanina ng anak ko. Matamlay ang mga mata ni Papa na pinagtapat sa akin ang totoong pagkatao ko,hindi ko maunawaan ang aking naramdaman sa katotohanang noon ay haka-haka lang na ngayong si Papa na mismo ang nagkumpirma sa lahat na isa lang pala akong ampon nila. Ang saklap lang ng buhay ko mula pagkabata dinanas ko na ang hirap ng buhay sa mga taong inakala kong pamilya ko ng tunay ay yun pala ampon lang ako,Napunta ako sa pangalawang pamilya na binigay kong lahat buong puso,tinuring kong tunay na pamilya na hindi ko naramdaman kina Papa at mama mula sapol pa lang ay iniwan ako sa ere dahil lang sa nagmahal ako..Nagmahalan

