Narito ako ngayon sa school, pababa ng hagdanan dala dala ang libro ko at isang notebook ko. Kailangan kong pumuntang library para gumawa ng thesis namin sa math.
Naisipan ko lang gawin na ngayon para bukas hindi ko na ito malimutan dahil may gagawin pa kami nila kuya Nate.
"Hoy! Saan ka nanaman ba pupunta? Hindi ka mag-lulunch?" Tanong sa akin ni Madi kapag kuwan.
"Nah, may gagawin kasi kami ni kuya mamaya at hindi ko magagawa mga assigments ko kaya gagawin ko na this lunch time," wika ko dito.
"Sige, manlilibre sana si Tony. Ayaw mo? Enjoy studying," she said smirking.
Sayang! Libre sana pagkain, oh! Nakakinis naman! Mayaman pa naman jowa ni Madi. Well, mag-1 year na ata sila. Kinun-tiyaba pa nga ako nung tukmol na Tony na 'yun para lang kay Madi, e.
Bumaba na ako ng isang floor para makapunta na sa Library.
Agad agad akong nag log at dumiretso na sa isang desktop para gawin ang thesis ko.
Malapit na akong matapos ng makita ko si Ava sa library kasama si Ivy.
"Hoy! Hindi ka pa ba tapos diyan?" Bungad nito sa akin.
"Ito na, miss mo na ako kaagad?" Asik ko dito habang nagtatype.
"Yuck!" she said disgusted, "Nandoon pala crush mo sa baba. Bilisan mo na diyan," pag-aangil ni Ava sa akin.
"Sino?" Kunot noong tanong ko dito habang nakatutok ang mata sa computer.
"Yung crush mong si Simon," sagot kaagad ni Ivy.
"Pass, di ko na crush 'yun. May jowa sis, delikado baka mapaaway ng wala sa oras. Tsaka wala munang ganyan-ganyan, study first muna." Pag-tatanggi ko kaagad dito habang tuon ang pansin sa computer.
"Ay! Nako ka, sayang may pogi akong nakita sa labas ng library bago pumasok dito," wika ni Ivy.
Agad-Agad akong napasulyap sa pintuan ng library ng may malaking ngiti sa muka "Asan? 'Asan?" Tanong ko dito kapagkuwan.
Walang pag-aalinlangang binatukan ako nito "Oh, tamo 'to. Parang timang. Study first Study first may pa ganyan pa. Walang hiya din, e 'no!"
I rolled my eyes and tinuon muli ang pansin ko sa computer habang nakangiti ng mapakla.
Scam, kala ko talaga may pogi na!
"Uto-uto ka din kasing timang ka. Si Sydney, mawawalan? Basta pogi sa kanya 'di 'yan mag-aalinlangan mang-crush, 'no Syd?" Inismiran pa ako ni Ava.
"Konyatan kita diyan, e," bulong ko dito habang natatapos ko na ang thesis na nagagawa ko.
Inantay pa nila akong taposin ang ginagawa ko dito at pinaprint ko na din ito sa main desk ng librarian. Napatingin ako sa oras at meron pang 20 minutes bago mag-time kaya lumabas na din kami ng library.
Nang makalabas kami ng library, yakap-yakap ko sa kaliwang braso ko ang libro ko at mga papel. Nagmamadali akong lumabas ng may nabangga akong isang fafa, este tao.
Dahil sa sobrang lakas ng pagkabagga nahulog ang mga gamit na dala ko. Napatiim bagang ako sa bumangga sa akin na hindi man lang tumitingin sa dinadaanan niya. Habang ang dalawa tawa ng tawa.
I rolled my eyes, and glared at them.
Napatanga ako ng makita ang lalaking nakabangga ko. I gaped openly as I observe his small puffy face with both sharp and small features. On either side of his straight nose were two blazing hazel eyes. His hair is same as the boys haircut but it suits him very well. His dark brows were actually graceful, but currently furrowed in a frown. Then I look at his plump, juicy lips that are quite brown colour yet with a hint of pink to it. All of it was framed by thick and, warm dark chocolate curls.
Ang Pogi niya! Fafa nga, Ulam pa, chos.
"Are you dumb or what? watch where you going"
Para akong binuhasan ng isang timbang tubig sa sinabi niya,
Ako pa ang hindi tumitingin? Siya nga 'tong nasa libro lang ang tingin, e.
Hindi ko na lang ito pinansin at sinimulan ng pulutin ang mga gamit kong nahulog, patayo na sana ako ng marinig ko itong muling nagsalita.
"Idiot!" I heard him whispered before he went away and left.
"Antipatiko!" bulong ko at umirap na lang.
Napatayo ako at tinignan siya ng masama habang unti unting lumalayo. Napatingin ako sa dalawa na tawa ng tawa sa akin.
"Mga hayop, 'di niyo man lang ako tinulungan puro kayo tawa," saway ko dito sa kanila.
"Pano kasi, mun-tanga ka diyan kakatingin sa muka ni kuyang nakabangga mo sabi pa mag-aaral daw," Ivy mocked my words.
I scoffed, "Ako? tinitignan siya? Heh!" I scoffed "Ang panget nga, e." dagdag ko pa.
"Ulol mo! Panget tas grabe kanina mukang tanga," wika ni Ava habang dumila pa.
"Pero seryoso, ang pogi ni koya niyo. Grabe to the levels," singit naman ni Ivy habang ngumingiti pa.
Ang Pogi nga, ang panget naman ng ugali! Aanhin ko muka nun kung ganun naman ugali. Nah, I rather pick someone who has a great personality. Ang sungit, heh!
"Heh, pangit ng ugali. Tara na nga!" Singhal ko sa kanila.
Umakyat na lang ako sa 3rd floor para bumalik na ng room. Nakita ko kaagad si Citi, tahimik at nakaupo lang sa upuan niya.
Ewan ko. Tatlong taon na kami mag-kaklase. Hindi kami pinaghihiwalay ng teacher namin, at least magkasama kami nito.
"Huy, buti naka-akyat ka na. Sabi ni Kuya Finn punta daw tayo sa Mcdo, birthday niya, e. Duon na lang daw tayo kumain," bungad sa akin ni Citi ng maka-upo ako sa tabi nito.
"Anong oras? kain lang ako kaagad, aalis pa kami ng kuya ko, e. Baka mga 2 hours lang," ani ko dito habang inaayos ang mga gamit ko.
"Bala ka, sabay sabay na tayo mamaya," she shrugged her shoulders.
3pm na ng dissmisal namin. Agad agad kaming nagtungo sa gate kasama si Citi. Nang makababa kami nakita ko kaagad sila Ava at Ivy pati si Madi.
Nakita ko din si Kuya Nate sa tapat ng gate dito kaya walang pag-aalinlangan pinuntahan ko ito.
"Oh, aga mo," bungad ko dito.
'Di may gagawin kaming research dito tsaka sasabihin ko na din hindi tayo tuloy. Sa saturday na lang sabi ni Mama," tugon nito.
"Ahh, okay. Sige bye, panget. Muwah" I said before he left.
Bumalik muli ako sa pwesto nila Citi para sabihin sa kanilang makakatagal na ako, "Ano G?"
"Wow, kasama siya. Akala ko ba may pupuntahan kayo ng pinsan mo?" Ava said with her casual tone.
"Ay sorry ka, hindi tuloy." Bineletan ko ito nang may halong pang-aasar.
"Ayy, weh? GG!" Masayang wika niyo.
GG. Galunggong 'yan si Ava, e.
"Tara na gutom na ako," wika ni Madi habang hinihimas himas pa ang tiyan nito.
"Tsk, hindi ka ba pinapakain ng jowa mo? Laging gutom," Asik ni Ivy.
"Wala ka lang jowa," irap ni Madi.
"Sige mag-asaran pa kayo nababad-trip na si Citi. Tara na mga panget!" natatawang sambit ni Ava at hinila na ako.
Nang makarating kami sa mcdo, umakyat na kaagad kami kasi sabi ni Feliciti anduon na raw kuya niya kasama tropa nito. Malapit lang naman sa school ang Mcdo, lakad lang naman ang layo ng Mcdo sa campus.
"Sydney! Andito yung naka-bangga mong pogi kanina oh!" Bulong sa akin ni Ava habang kinukurot kurot pa ang tagiliran ko.
I squint my eyes and then I saw the guy who I bumped with earlier.
Aba, nandito pa nga! Bwisit@
Umirap na lang ako and scoffed at her.
"Hoy mga gaga! Umupo na daw kayo," sabat ni Madi sa amin na nakaupo na sa tabi ni Citi.
Nang tignan ko ang lamesa may dalawa pang bakanteng upuan at 'yung isa tabi nung kaibigan ni Finn na antipatiko tapos 'yung isa tabi nungbakanteng upuan na katabi ni Ivy.
Dali-dali akong umupo do'n pero nahuli na ako dahil inunahan ako ni Ava umupo. I rolled my eyes as she teased me with her tongue sticking out.
Wala akong choice kung hindi umupo na lang sa tabi nito at hindi ito pinansin. Pinukaw ko ang atensyon ko sa kapatid ni Citi.
"Happy Birthday, Finn. Wala ng regalo regalo mayaman ka naman, e," sambit ko pa rito.
"Ulol, naghihirap ako ngayon, kailangan ko ng pera. Palimos." Nilahad ni Finn ang kamay niya na para bang puluni na nanghihingi ng pera.
I mocked him and rolled my eyes.
"Pst! Pst! Katabi mo si Pogi," bulong sa akin ni Ava ssa gilid ko.
"Antipatiko naman! Never ko 'tong jojowain, Iww!" I whispered at her side.
If he were to become my boyfriend, I can only imagine how our relationship will be. Baka hindi mag-tagal dahil lang sa pagiging antipatiko, ayaw ko ng ganoon, 'no.
"Tanga, anong jowa? Ikaw din si assumera, e 'no?" Batok nito sa akin habang tumatawa sa gilid ko.
"Malay natin crush na ako nito." Hindi naman sa pag-aasumera pero alam ko naman 'yun, charot.
Bigla akong umiwas ng tingin ng makita ko itong lumingon sa akin.
"Heh, managinip ka lang hanggang sa 'di ka na magising," sambit nito habang tumatawa nang palihim.
I rolled my eyes at her.
"Siya nga pala, guys! This is my friends," napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Finn. "This is Liam" tinuro nito ang katabi niya at ngumiti na lang ako dito.
"E, kilala ko na 'yang panget na 'yan, e." Ani ni Ava dahilanan ng kinatawa ko at inasar pa namin si Liam.
But we all came to a halt as we stood up, Liam high-fiving him and showing him a peace sign.
"And this is Alvaro. But he would prefer calling him as Ali," wika nito at tinuro ang katabi ko.
Alvaro. Nice name.
"Ghorl, Ali daw! Add mo na mamaya sa f*******:, hanapin mo sa friends list ni kuya Finn," rinig kong bulong ni Ivo dahilan mapangiwi ako rito.
Binatukan ko 'to "E, ikaw na lang."
"Arte amputa," sabat ni Madi "Malay mo kayo na tinadhana," nakangiti nitong pangaasar.
EWWW!
"Tadhana your face" I shout-whisper.
Citi rolled her eyes as I motioned for her to assist me in getting away from them.
"Hoy, Nagugutom na ako, Kuya!! Uwing uwi na din ako asan na ba pagkain niyo?" Pag-iinarte ni Citi dahilanan para mapangiti ako sa kanya.
All of them turned their gaze to Citi which I thanked her. Kung hindi baka ako pa ang pag-initin nang mga gagang mga ito.
"Wait lang naman, kamahalan. Hindi kasi kami crew dito, e," sagot naman ni Finn.
"Tsk!" singhal ni Citi.
"Sydney, samahan mo nga si Ali kuhanin 'yung mga pagkain," sambit naman ni Finn kapagkuwan.
Napalaki ang mata ko dito at tinignan din si Ali na nakatingin ng masama kay Finn. Bakit ako? Andiyan naman si Liam ahh.
Sumandal ako sa upuan, kabit balikat, "Si Liam na lang, siya lalaki e. Tsaka bat ba ako?" tinatamad kong angal.
"Dinamay pa ako, langya." Asik ni Liam habang sinipa ako sa ilalim.
Tinignan ko siya nang masama, akmang susugurin ko na ito nang sumabat si Citi.
"Huwag ka nang mag-inarte, Sydney. Kung alam ko lang crush mo naman na talaga siyal"
When I heard her say that, my jaw dropped and my eyes opened. Bruha!
"Hah?" wika ko dito.
"Hatdog," pambabara ni Citi.
"f**k you!" I hissed. Back stabber din pala ito, bwisit.
"Mama mo," usal pa nito at inirapan ako.
I sighed in defeat, "Let's Go." I raised my brow and look at him deeply.
He simply looked at me confusingly.
'Yung upuan kausap ko,e ," pamimilosopo ko dito at inirapan pa ito, "Ano ganto na lang? Sasamahan mo ba ako kunin pag-kain o maninigas ka diyan?"
He raised his brow, "I didn't said anything. Mauna ka na if your really wanted to go and eat," he said.
"Si Liam na nga lang pakuhanin niyo!" Bat din naman kasi ako, pwede naman sila. Sila yung mga lalaki sila pa talaga tamad!
"What did I expect mga tamad nga pala mga babae," Ali whispered.
I scoffed hearing his words. Nagpaparinig ba siya? Kasi kung oo, bibigyan ko pa ng mic nang marinig ng buong bayan.
"Nahh, Ako na lang pala. Baka kasi, Sabihin. Pa. Ng. Isa. Diyan. na tamad ako," pag-paparinig ko sa kanya at tumayo para bumaba papuntang cashier stall.