Bago pa ako matulog, tumawag pa si Rafael na hindi ko mapigilang kiligin. He is that sweet. Yes! Napakaswerte ko talaga sa kaniya. “Did he hurt you?” “No. Hindi gano’n ang kuya ko.” Umiling pa ako akala mo ba’y nakikita niya ako. “Okay. Nag-alala ako. I stayed at bit outside. Isang tawag mo na may nangyaring masama sa ‘yo, I’m going to get you right away.” Napakagat labi ako sa sinabi niya. Pinipigilan ang pagtili dahil sino ba ang hindi mababaliw sa sinabi niya? I’m freaking out in a good way. Bakit ba may ganitong klaseng lalaki? Gusto ko lagi siyang ganito sa akin. Lalo yata akong mababaliw sa kaniya. Sus! H’wag kang ganiyan Rafael, paniguradong mahihirapan kang pakawalan ako. O baka ako ang mahihirapang pakawalan siya. Wow! “Thank you for that. That means so much to me but I’m a

