Para bang yumanig ang mundo sa lakas ng pagkakatawag sa akin ni kuya. If he calls me that way in public, I will be humiliated. Hindi naman ako nagtagal pa, lumabas ako at pinuntahan kung saan nanggagaling ang boses na ‘yon. Anong oras na ba? Hindi ko namalayan dahil naubos ang lahat ng oras sa pagsusulat ko. Oh shocks! I was supposed to clean! Oh no! Oh no! Patay ako. Umaripas ako at nakita agad siya sa living area. Galit ba siya? Hindi naman siya mukhang galit pero seryoso ang mukha niya. That means, galit siya? Hindi ko na alam. Baka bigla nalang itong pumutok. Magpakabait ka naman kahit minsan Blanca. Nakakahiya ka minsan, e. “Yes, kuya.” Kabado kong tugon. Kung kanina, takot ako sa kaniya. Mukhang ngayon, kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi ko rin kayang iwasan siya. Para ka

