"Ang gago mo sa totoo lang." ani Dwight habang pauwi na sila pabalik ng Pilipinas habang nasa cabin si Raine na nag paalam na matutulog lang daw ito at nasakit ang ulo. "Parang sarap ngang mag sauli ng kandila." bulong naman ni Dennis. "Sana hindi na lang ako sumama." dugtong naman ni Sevy. "Ako kaya lang ako sumama kasi gusto kong makita si Riza ng blackpink." ani Skyler. "Riza ba yun o Liza?" anong ni Dennis. "Hindi ko alam, nakiki-uso lang naman ako. Kaso itong kurimaw na timawa na itong basag trip." turo naman ni Skyler sa bestfriend. "Tutulong rin naman may pa epal pang ganun sus.." dugtong pa ni Skyler na iiling-iling pa. "Tama, Sky bakit tumulong ka pa kung sasaktan mo lang ang anak mo." wika ni Sevy, bumuga ng hangin si Railey. Pinapirma n'ya si Raine sa divorce paper nito a

