"Huy! Kanina ka pa nakatitig sa phone." siko ni Piage habang nag lalakad sila pabalik ng campus after nilang mag lunch bitbit ang isang milktea na iniinom. "Pangit bang tingnan kung ako na manliligaw sa lalaki?" tanong pa ni Raine sa kaibigan. "Si Sir Yuan nanaman yan ano? akala ko ba sabi mo nag move on kana dahil may sisiw na s'ya.' "False alarm lang pala kaloka muntik ko ng lunukin ang albatross sa banyo, yun pala may masamang balak ang ex n'ya sa kanya buti na lang matalino ang bebeboy." tumawa naman si Paige. "So kinikilig ka nanaman n'yan." "Medyo slight kaso galit sa akin si bebeboy napasobra yata ang ginawa ko.' ani Raine na ikunuwento sa kaibigan ang nangyari na malakas naman na tumawa. "Naku patay ka baka buntisin ka lang tas goodbye Pelepens na." "Kaya nga medyo scary a

