"Grabe ka bata yun pinatulan mo talaga," iling ni Paige habang nasa isang mall sila. "Tuta ko yun gorl," "Kahit na! May point naman si Yuan, malalaking aso ang St. Bernard at hindi biro ang mag alaga ng tulad nila. Sa 1 pa nga lang hindi mo na maalagaan ng ayos sa sobrang busy mo tapos gusto mo pa gawin 6 at saka high mantenance ang mga ganun kalalaking aso, sa kuripot mong yan sino ang kawawa hindi bat si Yuan." "Abogado ka ba ni Yuan." tanong ni Raine. "Hindi, sinasabi ko lang ang true fact na ikaw ang mag saltik at hindi ang ex n'ya. Ikaw na din ang may sabi na naawa lang si Yuan sa bata, pero ikaw itong gaga nag paka evil witch tapos ngayon nag tataka kung bakit hindi ka sinusuyo ni Yuan." umirap naman si Raine saka pumasok sa loob ng isang boutique. "Saka hindi ka man lang ba na

