"My god! Raine gabing-gabi na anong ginagawa mo dito." reklamo ni Paige ng puntahan n'ya ito dis-oras ng gabi. Hindi kasi s'ya makatulog kapag ipinipikit n'ya ang mata n'ya si Yuan ang nakikita n'ya at hindi n'ya gusto ang nararamdaman n'ya na bubuwisit s'ya. Wala pa sa pamilya nila ang kabit at hindi s'ya ang mag papa-uso nun. Binuksan ni Raine ng malaki ang pintuan at tuloy-tuloy na s'yang pumasok at hindi na inalintana ang kahubaran ng kaibigan na nakatapis lang ng kumot at halatang nagising lang ito dahil sa sunod-sunod n'yang pag doorbell sa condo nito. "Anong problema mo?" "Si Yuan." kumunot ang noo ni Paige na naupo sa single sofa habang si Raine naman ay sumalampak ng higa sa long sofa. "Anong problema kay Yuan?" "I think, I'm still in love with him." "Mali gorl! You still in

