"Ano ba yan?" natatawang usal ni Skyler na inakbayan si Railey na inakbayan ang kaibigan ng makitang naiyak ito sa katabi. Umiling naman si Railey pero tuloy ang iyak. "Isang group hug muna." wika ni Dennis na pinalibutan nila si Railey, hindi lang mapigilan ni Railey ang maiyak dahil masaya s'ya para sa anak nila pero hindi lang s'ya makapaniwala na anytime soon tuluyan na itong kukunin sa kanila ni Yuan at wala na silang choice kundi ibigay si Raine. Ang bilis lang ng panahon parang kelan lang hirap na hirap pa silang mag salitan ni Megan sa pag gising pag nagigising ito sa madaling araw para mag timpla ng dede or mag palit ng diaper pero ngayon malaki na ang baby na inalagaan nila noon at soon magiging isa na din itong ina at sila magiging lolo at lola na. "Mani." napabitaw naman ang

