"Tulungan mo naman ako sige na Te," pilit ni Autumn kay Raine. "Pero seryoso tomboy ka?" tanong pa ni Raine na hindi pa rin makapaniwala sa inamin ni Autumn. "Oo nga hindi ko lang masabi kila Tatay at Nanay, magagalit sila sa akin." "Pero ang landi mo ah," "Front ko lang para hindi ako mahalata nila Nanay." wika pa ni Raine. "Oo nga sabi." "Pero paano ka na buntis ni Kuya Ian, kung tomboy ka?" tanong pa ni Raine. "Hello! May uterus pa rin naman ako ano." "Ay! Oo nga pala ano." "At saka hindi talaga ako buntis." "Ahhhh! Hala ka... nag kakagulo na sila Ninong Sky at Tito Sev, baliw ka ba?" napakamot naman ng ulo si Autumn. "Hindi ko na mabawi ang sinabi ko e, ang gusto ko lang naman makasama si Chelsea." tumarak naman ang mata ni Raine na napahawak sa noo at bewang. "Si Chelsea

