"Yung totoo, anong pinag-usapan n'yo ni Kuya kanina?" tanong pa ni Yuan ng makasakay na sila sa kotse nito sa parking lot. "Anong gagawin mo kapag mas nauna ako namatay kesa sa'yo? Sinong ipapalit mo sa akin mention a name kahit sino yung tingin mo deserve na pumalit sa akin?" biglang tanong ni Raine na ikinakunot ng noo ni Yuan na nilingon ang nobya. "Hindi nakakatawang biro yan Raine Razon." galit na turan ni Yuan na literal na sumimangot. "Eto naman, sige sagutin mo na lang please." "Ayoko, hindi ko sasagutin." ani Yuan na pina-andar na ang kotse. "Paki-baba mo na lang ako d'yan sa tabi, sa amin muna ako uuwi." nakasimangot na rin tugon ni Raine. "Ano ba Pidgs," "Nag tatanong lang naman bakit hindi mo masagot." reklamo ni Raine. "Dahil nakakainis ang tanong mo? Lahat na lang gin

