"At talagang nakapag sumbong ka pa!" bungad ni Raine pag pasok sa kuwarto at inabutan na naroon na si Yuan na nag papalit na ng damit. Masama ang tingin nito sa kanya at alam n'ya ang tungkol sa ringing tone na pinalitan n'ya ang ikinagagalit nito. Hindi naman n'ya alam na may meeting ito ng mga oras na isinet n'ya ang alarm ng phone nito. Na sabon s'ya ng husto ng parents n'ya maging ang lolo at lola n'ya, na wag daw n'yang gawin biro ang lahat dahil hindi daw naman simpleng empleyado si Yuan ng isang malaking corporation, ito ang boss kaya gaano na daw kakahiya ang ginawa n'ya sa asawa n'ya. Medyo na guilty naman s'ya pero na iinis talaga s'ya at pakiramdam tama lang iyon kay Yuan na mapahiya ito at pag tawanan. "Saan ka galing?" "Nanlalaki." "Sinong kasama mo?" "Secret walang clu

