CHAPTER 1: USB Device

1168 Words
THIRD-PERSON Isang babae na may mala-anghel sa kagandahan ang naglalakad sa hallway ng isang exclusive hotel sa Manila habang umiindayog ang naglalakihan nitong balakang. Halos mapaluwa ang mga mata ng mga armadong lalaking kasama niya na umaalalay sa kanya para ihatid siya sa silid ng naghihintay na mayamang negosyante. Dumaan muna sila sa isang frisking area. Dito ay puno rin ng mga armadong kalalakihan na alam niyang alagad ng matandang hapon. "Hep," pigil niya sa kamay ng isa nang tinangka nitong kapkapan ang kanyang katawan. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil. "My body is exclusively for your boss only...but if you can wait for me, i'll give you five hits later," mapang-akit niyang saad dito habang inaayos ang kuwelyo ng suot nitong damit at halos kalahating dangkal na lamang ang layo ng kanilang mga mukha. Pinagapang niya ng dahan-dahan ang kanyang mga daliri mula sa leeg nito pababa sa dibdib, tiyan, puson hanggang sa masapol na niya ang naninigas na nitong kalibre at anytime ay handang-handa ng lumaban. Ngumisi ang lalaki habang bumibigat na ang paghinga nito dahil sa ginagawa niyang paghagod sa sandata nitong sintigas na ng bakal. "H-Hihintayin kita," sagot nito na tila kinakapos na ng paghinga. Napangisi ang babae at saka nilampasan ang lalaking siyang leader ng mga tauhan ng isang negosyanteng pakay niya sa mga oras na ito. Muli silang naglakad sa hallway. Kasama pa rin niya sa magkabila niyang tabi ang dalawang armado ng mga de kalidad na baril. Pagdating sa pinto ng pakay niyang silid ay may apat pa ring lalaki na puro armado ang nakabantay dito. Pinagmasdan muna siya ng mga ito mula ulo hanggang paa bago tuluyang binuksan ang silid na naglalaman ng target niya sa mga oras na ito. Pagpasok niya ay agad sumara ang pinto at bumungad sa kanya ang isang napakagarang silid. May malaking kama sa gitna, may set ng sofa sa gilid, may chandelier sa itaas, mga mamahaling muebles, mga salamin sa palibot ng silid kaya naman kahit saan siya lumingon ay nakikita niya ang kanyang sarili. "Check all the cctv," bulong niya sa kanyang sarili. Isang high-tech earrings ang kasalukuyan niyang suot na nagsisilbing communication niya sa mga taong kasama niya operasyon na ito. "Everything is clean," dinig niyang sagot ng isang lalaki mula sa kabilang linya. She took a deep breath before finally walking to the bathroom she heard there was a splash of water inside. Marahan niyang inilapat ang kanyang tainga sa nakasaradong pinto upang pakinggan ang nangyayari sa loob. But all she heard nothing but a splash of water. She knocked softly first. "Come in," isang malaking boses at medyo gasgas na tinig ang narinig niya mula sa loob. Sa tingin niya ay tila nasa 60's na ang edad nito. Marahan niyang binuksan ang pinto at saka sumilip sa loob. Isang mataba, maputi at matandang lalaki ang nabungaran niyang nakahiga sa isang malawak na bathtub na napupuno ng sabon. Nakapikit ang mga mata nito habang may hawak na isang expensive wine bottle sa kanan niyang kamay. "Hello, Mr. Wong," she seductively greeted the old man. Kaagad namang nagmulat ang mga mata ng matanda at nakangising lumingon sa kanya. "Come here, baby. Come to daddy," nakangising tawag nito sa kanya kaya naman lumabas ang mga naglalakihan nitong mga ngipin na medyo naninilaw na rin. Lihim siyang napangiwi sa kanyang sarili. Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis at saka tuluyan ng pumasok sa loob ng silid. Lumapit siya dito at pumwesto sa ulunan ng matanda. Hinawakan niya ang ulo nito at minasa-masahe ang magkabilang sentido. "'Yan. Ganyan nga, darling... aaahh...more, honey," ani ng matanda na tila sarap na sarap sa ginagawa niyang pagmasahe dito. Napansin niyang umangat ang braso nito na siyang may hawak sa bote ng wine at iniumang sa bibig nito para uminom. Kaya naman tumayo na siya para ihanda ang sarili. Kinapa niya ang swiss knife na nakasiksik sa kanyang hita. She continued massaging the temple of an old man hanggang sa nakita niyang tinutungga na naman nito ang bote ng alak. Napangisi siya at agad dinakdak ng malakas ang bote sa bibig ng matanda. Pumasok ang halos kalahati nito sa bibig ng old man. Namilog ang mga mata nito at nanigas ang katawan. She quickly pulled the swiss knife over her thigh at iginilit sa lalamunan nito. Bloodshed exploded all over the bathroom. She opened his throat wide at inilabas mula dito ang bote pero hindi niya tuluyang hinugot. Hinayaan niya lamang itong naka-stock sa loob ng lalamunan ng matanda. Kaagad itong binawian ng buhay. She stood up and fixed herself. Lumabas siya ng bathroom at hinanap sa mga drawer ang kailangan niyang usb device. Kaagad niya itong nakita sa isang drawer ng office table sa gilid ng silid. "A, you need to get out right now. They are coming to your place. Seems like they already know what's going on with their boss," utos ni Silver mula sa kabilang line. Binilisan na niya ang kanyang pagkilos dahil nararamdaman na niya ang mga malalakas na yabag sa labas ng silid at patungo na ito sa kanyang kinaroroonan. Isiniksik niya sa loob ng kanyang bra ang usb device. Lumabas siya sa balcony ng silid at sumilip sa ibaba. May nakahanda na ditong rope with steel hook na nakasabit na sa bakal. Pagsampa niya sa pasimano ng balcony ay saktong bumalibag ang pinto ng silid at kaagad pumasok ang mga armadong kalalakihang nakasama at nakaharap niya kani-kanina lamang. Kaagad siyang natanaw ng ilan at mabilis na sinugod ngunit kasalukuyan na siyang nakasabit sa lubid. "Bye, boys. See you soon...dahil kayo naman ang isusunod ko," nakangisi niyang saad sa mga ito. Kanya-kanyang mura ang mga ito at agad hinugot ang kani-kanilang mga baril pero mabilis na siya nagpadausdos paibaba ng building. 10th floor ng hotel ang kanyang pinanggalingan. Tumingala siya at nakita niyang nakatutok na sa kaniya ang baril ng mga tauhan ng matanda. Bago pa magpaputok ang mga ito ay tumalon na siya papasok sa balcony ng 2nd floor building. Halos mabingi siya sa lakas ng mga putukan. Napatingin siya sa laylayin ng suot niyang dress nang bigla itong mapunit. Ipinagpapasalamat niyang may cycling siyang suot kaya naman hinayaan niya na lamang ito. "Come on, A. Faster!" sigaw ni Silver mula sa kabilang linya. Nararamdaman na niya ang mga malalakas na yabag na sa tingin niya ay patungo na sa kanyang kinaroroonan. Muli siyang nagtungo sa balcony at sumilip sa itaas. Wala na doon ang mga taong humahabol sa kanya ngunit nakasabit pa rin doon ang rope na ginamit niya. "Mga tanga," bulong niya sa kaniyang sarili niya. Muli siyang sumabit sa rope at dumausdos paibaba hanggang sa tuluyan ng nag-landing ang kanyang mga paa sa lupa. Natanaw niya ang mga armado sa 'di kalayuan na mabibilis na tumatakbo patungo sa kanyang kinaroroonan. Mabilis din siyang tumakbo patungo sa calsada kasabay ng paghinto ng isang motorsiklo sa kanyang tabi. "Come on, A!" sigaw ng driver nito kaya naman mabilis siyang tumalon pasakay dito. Mabilis na humarurot ang motorsiklo palayo sa lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD