Sa pagnanais na makasama at masolo si Patricia sa bahay nila pinaalis na muna niya ang mga kasambahay nila para na rin masolo nilang mag asawa ang buong bahay. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakasama niya ng matagal ang asawa na silang dalawa lang. Sa sobrang saya pa nga niya siya na ang naghanda ng breakfast para sa asawa niya. Nagulat na lang siya sa sarili niya na may mga nagagawa na siya na hindi naman niya nagagawa dati at lahat ng iyon ay para kay Patricia. Last night was the best night for him. Iyon ang unang beses na naangkin niya ang asawa makalipas ang dalawang taon mula ng maikasal sila nito. And he is more happy nang malaman niyang hindi nagsisinungaling sa kanya ang asawa nang sabihin nitong birhen pa ito. Napatunayan niya iyon kagabi. Siya ang unang lalake sa buhay ng

