"No doubt panalo ka na, wala namang maglalakas loob na kumalaban sa mga de la Cerna sa bayan na ito," masiglang saad ng Daddy niya kay Miko habang nasa hapag sila at kasalukuyang nag di-dinner. Inimbitahan kasi sila ng Mommy at Daddy niya na doon na sila mag dinner ni Miko para naman makasama nila ang mga ito. Magiging busy na rin kasi sila ni Miko mula bukas dahil bukas na magsisimula ang pangangampanya ni Miko sa pagtakbo nitong Mayor sa bayan ng San Juan. "Sana nga po, Dad maganda naman po ang hangad ko sa para sa probinsya natin,' nakangiting ni Miko sa Daddy niya. Narinig na niya ang mga plano ni Miko para sa bayan nila at mas lalo siyang humanga sa asawa, tumaas din ang tingin niya rito at respeto. And also para siyang lalong na in love sa asawa dahil sa nakita niyang galing at tal

