Habang pauwi siya galing sa eskwelaan nakita niya ang dalawang kapatid niya sa may gilid ng kalsada na tila ba sadya siyang hinihintay ng mga ito. "Bakit kayo narito?" Tanong niya sa mga ito nang lapitan. Pansin niyang tila galing sa pag iyak si Leslie. "Umiyak ka ba? Anong nangyari?" Tanong niya sa kapatid. "Ate si T'yong kase binastos si Ate," tugon ni Lloyd sa kanya na nagpahagulgol ng iyak naman kay Leslie. "Anong ginawa niya sa iyo?" Galit niyang tanong sa kapatid. Dalawang linggo pa lang nasa bahay ang asawa ng Tiyahin niya, at siya man ay nangingilag rito, hindi lang minsan niya itong nakitang nakatingin sa kanya at halata niyang sadya itong dumidikit sa kanya pag may pagkakataon lalo na't malayo ang asawa nito at mga anak. Minsan na siyang binastos nito noong magbakasyon ito

