Chapter-4

1364 Words
Flashback — 2 Years Ago "Daddy, bakit po kayo nagsundo sa akin ngayon?" Nakangiting tanong niya sa ama nang masigla niya itong lapitan sa may gate ng Dela Cerna University. "Ayaw mo ba na ako ang susundo sa iyo ngayon?" Balik-tanong ng ama na may ngiti sa mukha. "Gusto ko nga po, eh. Sana nga lagi na lang kayo ang sumusundo sa akin sa," nakangiting tugon niya. "Tara na, baka ma-late tayo," saad ng Daddy niya at lumakad na sila palapit sa kotse. "May pupuntahan po ba tayo?" Tanong niya sa ama nang makaupo na sila sa backseat. May kasama naman kasing driver ang ama. "Sa mall. Kailangan mong bumili ng bagong dress," "Bagong dress? Para saan naman po ang dress?" "May dinner kasi tayo sa bahay mamaya. May importante tayong bisitang darating," "Bisita? Sino naman po?" Usisa niya. "Malalaman mo rin mamaya. Sa ngayon, bibili muna tayo ng isusuot mo," tugon ng ama. Siya si Patricia, eighteen years old at estudyante sa De La Cerna University, ang pinakakilalang university sa bayan ng San Juan na pagmamay-ari ng pamilya Dela Cerna, ang pinakamayaman sa bayan nila. Kasalukuyan siyang nasa Senior High School, pero ilang araw na lang at graduation na niya, at saka naman siya papasok na sa college. Napili pa rin niyang magkolehiyo sa De La Cerna University para hindi na siya lumayo pa at manibago na naman. Marami rin naman sa mga classmates niya at kaibigan na mag-stay sa De La Cerna University. Pagdating sa mall, siya na ang pumili kung saan sila bibili ng Daddy niya ng dress. Pero ang bawat magustuhan niya, hindi gusto ng Daddy niya. Gusto raw nito iyong elegante at hindi provocative. May bisita nga raw kasi sila at baka mapuna siya. Kaya naman sumunod na lang siya sa style na gusto ng Daddy niya. Demure kung demure ang gusto ng Daddy niya ngayon, Barbie ganoon. "Sino po ba ang mga bisita natin mamaya, Daddy?" Tanong niya sa ama matapos mabili ang dress na kailangan niya. "Kilala mo naman ang mga Dela Cerna, hindi ba?" tugon nito sa kanya. "Opo. Wala naman po yatang hindi nakakakilala sa kanila sa bayan natin. Lalo na sa loob ng subdivision," tugon niya. Ang mga Dela Cerna rin kasi ang may-ari sa subdivision kung saan sila nakatira. Karamihan sa mga nakatira sa subdivision na iyon ay mga mayayaman dahil hindi biro ang presyo ng lupa roon. "Sila ang magiging bisita natin mamaya. Si Vice Mayor Miko Dela Cerna at ang mga magulang niya," saad ng ama sa kanya. "Si Vice Mayor Miko po!" Bulalas niya. Ang puso niya, biglang kumabog. Wala ring hindi nakakakilala kay Vice Mayor Miko Dela Cerna sa bayan nila, lalo na ang mga babae. Magpinsan ang nakaupong Mayor at Vice Mayor sa bayan nila, at parehong lalaking Dela Cerna, kaya naman kilig na kilig ang mga babae sa bayan nila. Parehong gwapo kasi at mga bata pa. Nasa twenties lang ang mga namumuno sa bayan nila, pero maayos at napaka-asensado ng kanilang bayan. "Yes, Patricia. Makikilala mo mamaya nang personal si Vice Mayor Miko Dela Cerna sa dinner," tugon ng ama sa kanya. Ngumiti siya at hindi na nag-usisa pa. Isang negosyante ang Daddy niya, hindi na siya magtataka pa kung malapit ang Daddy niya sa mga Dela Cerna. Baka may business deal ang mga ito kaya inimbita ng Daddy niya ang mga Dela Cerna sa bahay nila. Pagdating sa bahay, agad na siyang pinaakyat ng ama para makapag-ayos na at parating na raw ang mga bisita nila. Excited siyang naligo para maisuot ang bagong dress. Nag-aayos na rin siya ng buhok at maglalagay ng kaunting make-up para naman maganda siya sa harapan ng mga bisita, lalo na kay Vice Mayor. Walang masama kung magpa-cute siya sa Vice Mayor nila. Sa bayan naman nila, halos lahat na yata ng kaedaran niya, nagpapa-cute sa kanilang Mayor at Vice Mayor. "Yep!" Nakangiting saad niya matapos niyang lagyan ng pink na lip gloss ang kanyang labi para bumagay sa kanyang light make-up. Umikot-ikot pa siya sa harap ng salamin para tingnan kung bagay sa kanya ang suot niya. "Naku, baka mapansin ako ni Vice Mayor nito," bulong niya sa sarili at lumapad ang ngiti sa labi. Saktong tapos na siya nang kumatok ang kasambahay sa pintuan ng silid niya at sabihing bumaba na raw siya at malapit na ang mga bisita. Agad naman siyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. "Wow, Ate, ang ganda naman ng dress mo," bati sa kanya ni Kate nang makababa na ng hagdan. "Salamat," nakangiting pasalamat niya sa kapatid. Saka sinulyapan ang mga magulang na nakangiti naman sa kanya. Tanging ang Kuya Ariel lang niya ang seryoso at walang kangiti-ngiti sa mukha. Tinawag sila ng kasambahay para sabihing nasa labas na ang mga bisita nila. Kaya naman agad na silang lumakad palabas para salubungin ang mga bisita. "You are beautiful, Patricia," bulong sa kanya ng Daddy niya. Ang hininga nito, mainit sa tainga niya. "Thank you po, Daddy," pasalamat niya na may malapad na ngiti sa labi. Bago pa siya tuluyang lumabas ng pintuan, inayos pa niya ang kanyang damit at buhok para naman mapansin siya agad ni Vice Mayor. Sa labas, Apat na sasakyan ang naka-park at pababa na ng sasakyan ang kanilang mga bisita. Pinili niyang tumingin sa itim na mamahaling Audi na kotse, ramdam kasi niyang doon nakasakay si Vice Mayor. Isang Lexus na SUV naman kasi ang isa, na marahil doon nakasakay ang mga magulang ni Miko Ang dalawa pang itim na SUV na siyang escort ng pamilya Dela Cerna. Hindi nga siya nagkamali dahil sa Audi bumaba ang isang gwapong lalaki na agad ngumiti at kumaway pa sa kanila na nakatayo sa labas ng bahay nila. Ang ngiti nito. Agad namang lumapit si Miko sa sasakyan ng mga magulang nito para alalayan sa pagbaba ang Mommy nito. Napangiti siya dahil bukod sa gwapo si Miko, napaka-gentleman pa nito sa Mommy nito. Halatang maganda ang pagpapalaki dito. Sumalubong ang Papa at Mama niya sa mga bagong dating. Nanatili naman silang tatlong magkakapatid na nakatayo sa kanilang kinatatayuan. Siya at ang bunsong kapatid, kapwa nakangiti, pero ang Kuya Ariel niya seryoso pa rin. Ganoon pa man, hindi na lang niya pinansin ang mood ng Kuya niya. Baka pagod lang ito kaya walang gana sa mga bisita nila. Nagulat pa siya nang agad siyang ipakilala ng kanyang ama kay Vice at mga magulang nito. "Finally, na-meet ka na rin namin, Patricia," magiliw na saad ng Mommy ni Miko Nakipag-beso-beso pa ito sa kanya at yumakap. "Hello, young lady," bati naman sa kanya ng ama ni Miko. "Miko, magpakilala ka naman sa magandang dalaga ng mga Ramos," saad ng Daddy nito na lalo niyang kinagulat. Napasulyap siya kay Miko na agad namang ngumiti sa kanya, nilapitan siya para makipagkilala at makipagkamay. "Hi, Miss Patricia, " bati sa kanya ni Vice Mayor na kinatulala niya. "Hi…" Garalgal ang tinig niyang bati rito. Nanuyo ang lalamunan niya. Masyado kasi siyang na-overwhelm sa nangyayari. Hindi niya alam kung bakit kailangan pang magpakilala nang personal sa kanya ni Vice Mayor Miko Dela Cerna. "Nice to meet you," Miko said at nakipagkamay pa sa kanya. Pakiramdam niya, huminto ang t***k ng kanyang puso nang hawakan ni Miko ang kanyang kamay. Napalunok pa siya at napatitig nang husto sa gwapong mukha nito. Nakangiti sa kanya si Miko, pero parang may kakaiba siyang nakikita sa mga mata nito. Hindi lang niya masabi kung ano. "Tama nga sila, maganda ka, Patricia," narinig niyang bulong ni Miko sabay pisil pa nito sa kanyang kamay na hanggang ngayon hindi pa nito binibitiwan. Ang boses, halos pabulong lang, para silang dalawa lang ang tao sa mundo. Hindi naman niya magawang makapagsalita habang nakatingin rito. Sadyang gwapo at marunong itong magdala ng damit. Sa simpleng puting plain polo at trouser lang, nagsusumigaw na ang kagwapuhan nito. Kahit sino, mapapalingon dito. Isama pa ang mabangong amoy nito. Mukhang isang bote yata ng mamahaling pabango ang pinaligo nito sa buong katawan kaya naman nagsusumigaw ang bango nito. Nagtataka naman siya kung bakit sa kanya lang ito nagpakilala nang ganoon. Although binati naman nito ang kanyang mga kapatid, sadyang iba lang ang way ng pagpapakilala nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD