Hindi niya alam kung anong oras ang uwi ng asawa niya dahil ngayon pa lang naman sila nito magsasama sa iisang bubong. Kahit naman na mag asawa na sila wala silang alam tungkol sa mga bagay-bagay about sa kanila. Madilim na ang buong paligid pero wala pa rin ang asawa. Alas siyete na at tinatawag na nga siyang mag dinner pero tumatanggi siya. Wala siyang balak maghapunan. Hunger strike siya para makonsensya ang asawa niya sa kanya. Sa mga ginagawa nito sa kanya. Inilipat rin niya ang mga gamit sa kabilang silid, may guest room naman kasi sa bahay ni Miko kaya hindi niya kailangan makisama ng silid sa asawa. Bahala na itong magalit pag nalaman nitong wala siya sa master bedroom. Hindi sa lahat ng pagkakataon ito masusunod. Tama na ang andito siya sa bahay nito at hindi lumalabas, pero so

