Kinabukasan nagising siyang may humahalik sa kanyang leeg. Pagmulat ng mga mata nasilayan niya ang gwapo niyang asawa na nakatingin sa kanya habang nakangiti. "Good morning, sweetheart," bati sa kanya ni Miko. "Hmmm.. Good morning," bati niya sa asawa sa tinig na medyo inaantok pa. Inaantok pa naman talaga siya dahil nga late na sila nakatulog ng asawa kagabi dahil sa kung anu-ano pa ang kanilang inatupag. Masyado na nga yata silang na adik sa isat-isa at parang ayaw na nilang tumigil pa sa pagtatalik once na magdikit ang kanilang mga katawan na kapwa nagliliyab sa pagnanasa. "Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo, Sweetheart alam kong pagod ka pa. Nakalimutan kong sabihin na may lakad pala tayo today,' Miko said. "May lakad tayo? Saan?' Kunot noong tanong niya sa asawa. Wala itong bina

