Chapter Two

1763 Words
It was their school fair and as usual, nakasunod na naman si Rosette sa kanila ni Sorell. Bilib din siya sa pagiging pasensyoso ng kaibigan. Baka kung sa ibang lalaki gawin iyon, nasapak na si Rosette. "Lauren, I have a gift for you," Rosette was smiling mischievously at malakas ang loob niyang may gagawin na naman itong kalokohan. "Halika, sumama ka sa kotse ko." Alanganing sumunod si Lauren. Alam niyang hindi siya titigilan ng babae hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Hindi matandaan ni Lauren kung paano siya nalock sa kotse. Kinabahan siya nang makarinig ng taong paparating kaya agad siyang nagtago sa compartment. Baka kasi mapagbintangan s'yang magnanakaw. Naramdaman na lang niyang umandar ang kotse. ****** "What the f**k are you doing here?" galit na bulyaw ng may-ari ng sasakyan. Kahit madilim ay nakilala ni Lauren kung sino iyon. It's him. "I-i'm sorry," kinabahan siya lalo na nang makita ang baril na nakatutok sa kanya. "Umuwi ka na," utos ni Emman. "You shouldn't be here." "I-I don't know how..." "Leave!" Bago pa siya makaalis ay nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril. ****** Nagulo ang buhay at puso ni Lauren ever since she found out what kind of person Emman was. Alam niyang ito ang klase ng taong dapat iwasan. But she found herself liking him more sa pagdaan ng mga araw. Marami nang nangbago simula nang ikulong siya ni Rosette sa kotse ni Emman. And it seems that, at least in Lauren's imagination, pinaglalapit talaga sila ng tadhana. Lauren is no longer friends with Sorell and Shaina, who started dating but eventually broke up. Masakit para sa kanyang ipagpalit ng bestfriend sa ex girlfriend nito. Nasaktan din siya when Emman showed interest in Shaina. But life goes on. She's too young para problemahin ang mga ito. She's too young para sayangin ang oras sa lalaking gangster na gulo lang ang ibibigay sa kanya. Pero paano niya makakalimutan ang lalaki kung talagang pinaglalapit sila ng pesteng tadhana at ngayon ay kaklase niya pa? At partner sila sa class report. "In conclusion, an effective economic policy and proper implementation have  tremendous effect in the progress of a country. That's the end of our report," seryosong pagtatapos ni Emman. "Thank you for your time and have a good morning." Nagpalakpakan ang lahat. Pagkatapos kunin ang flash disk na nakakabit sa laptop ay bumalik na sa upuan si Emman. He didn't even look at Lauren na tahimik na naghihintay sa susunod na mag-rereport. Hanggang sa matapos ang klase ay wala silang kibuan. Palabas na ng classroom si Lauren nang tawagin siya ni Emman. "You forgot your flash drive," kaswal na sabi nito at iniabot ang 1G pink u.s.b. sa kanya. "T-thanks," sinubukang huminahon ni Lauren kahit ang bilis ng t***k ng puso niya. Akala niya ay naka move on na siya. Akala niya lang pala. "Salamat din for your cooperation," dagdag niya. Siya kasi ang sumulat ng report at si Emman naman ang gumawa ng presentation sa powerpoint at ito na rin ang nag-report. Hindi nga lang nila iyon ginawa nang magkasama. "Sorry if I had to leave nung gumagawa tayo ng report. May emergency lang." Mukha namang sincere ang lalaki kaya ngumiti na rin si Lauren. "Okay lang iyon. At least, tapos na tayo." "Sige, mauna na ako," paalam nito. Mabilis na naglakad palayo si Emman. Wala pa ring pinagbago ang lalaki. Allergic pa rin sa kanya. ******* Mag-isang naglalakad si Lauren sa malawak na quadrangle ng school kung nasaan ang table ng bawat school organization para mag-invite ng mga members. Mabilis na umiba ng daan si Lauren nang makitang makakasalubong si Sorell at ang mga bagong barkada nito. She went to the other corner of the quadrangle kung nasaan ang mga organizations related sa Arts. "Hi, gusto mong mag-audition?" excited na aya ng babaeng estudyante na nagbabantay ng booth. Binasa ni Lauren ang pangalan ng club. Northwood Drama club Not for her. Although marami siyang kadramahan sa buhay, hindi niya yata pinangarap sumali sa mga stage play. Nahihiyang ngumiti si Lauren. "Lauren pangalan mo, 'di ba?" sabi nito. Familiar ang mukha ng babae. Siguradong sa Northwood din ito grumaduate ng highschool. "Nakikita kita sa h.s. department nung highschool ako. Mas matanda nga lang ako ng one year. Kabatch ko yung pinsan mo na Villareal din. Si Lirio Alexander." "Pamangkin ko 'yun," sabi ni Lauren. "Natatandaan nga kita." "Mag-audition ka na ha. Ako kasi director at writer ng play. Don't worry, alam kong papasa ka." "H-hindi kasi ako marunong umarte," alanganing tanggi ni Lauren. Although, deep inside. Gusto niya ring subukan. Nangako rin siya sa sarili na magiging confident ngayong college na siya and she'll break out of her comfort zone. "Walang problema. May acting workshop naman e." "Marunong lang 'yan mag-inarte." Napalingon si Lauren sa bagong dating na patay-malisyang kumuha ng flyer at kunwari'y binasa iyon. Pakiramdam ni Lauren ay umakyat ang dugo sa ulo niya. It was Sorell with his friends. Tahimik lang na nakibasa ang mga ito na ipinagpasalamat ni Lauren. Hindi kasi nakikisali ang mga bagong kaibigan ni Sorell sa away nilang dalawa. "Hi, mag-aaudition din kayo?" tanong ng director ng play. Bumaling ito kay Sorell, "Kapatid mo si Lirio, 'di ba?"  Tumango ang lalaki. "Nasaan na 'yung girlfriend mo? Maganda rin 'yun. Gusto ngang kunin 'yun last year nung kaibigan ko na nag-direct ng play ng h.s. department kaya lang masyadong mahiyain." Alam ni Lauren na si Shaina ang tinutukoy nito. "Hindi na siya rito nag-aaral," paiwas na sagot ni Sorell. "Sayang naman," sabi naman ng kasamang babae ng direktor na pamilyar din ang mukha. Siguradong galing din ito sa Northwood highschool department. Halatang nag-papacute ito kay Sorell. "I'm sure 'di niya na kailangang mag-audition. Lead actress siya agad." "Sige, mauna na kami," nagpaalam na sila Sorell. "I'm joining the audition," wala sa sariling sabi ni Lauren. Hindi yata siya papayag na apihin lang ng Sorell na 'yan. She'll show him who's better between her and Shaina. "Really?" nagliwanag ang mukha ng direktor. Agad nitong iniabot ang isang application form. "Pirmahan mo na." Pagkatapos pirmahan ay binigyan siya nito ng schedule. "I'm Charmaine, by the way. Director and playwriter and this is Jill, president of the drama club." Ngumiti si Lauren, "Nice to meet you." "Bye, Lauren. Don't forget to come in the audition." Kumaway pa siya sa mga ito. Malayo na si Lauren nang maintindihan kung anong nangyari. Sumali lang naman siya sa audition ng school play. Doon niya lang naalalang tingnan ang flyer na hawak. Omg! Bakit nga ba hindi niya naisip alamin ang title ng play? Between the Walls The Forbidden Romance of Gracia and Simon Romance? May kissing scene kaya? ******* "Emman!" napalingon si Emman nang may tumawag sa kanya mula sa isang booth. Si Ethan iyon. His younger brother. Lumapit ito at inakbayan siya. "Wala kang lakad ngayon?" tanong nito. "Mamaya pa kami mag-jojoyride," member siya ng motorcycle club. "Nasaan si Evan?" Evan and Ethan are twins at madalas na magkasama. Third year Highschool pa lang ang dalawa. "Nasa library. Nag-reresearch kasama mga groupmates." Natawa si Emman, "Ikaw? Anong ginagawa mo rito sa college campus?" "Hinihintay ko si Eros e. Gagala raw kami," Eros is their older brother. "Sama ka muna sa'min." Tumango si Emman. Hindi na lang muna siya sasama sa mga kagrupo. "Emman!" napatingin si Emman sa babaeng nasa booth. Si Charmaine iyon. First cousin niya sa mother side at batchmate niya noong highschool. Kasing edad ito ni Eros at mas matanda sa kanya ng isang taon. Late nga lang itong nag-aral dahil ayaw magpaiwan sa klase. "Sali ka sa audition," nakangiting sabi nito nang makalapit siya. Napailing si Emman. Bata pa lang sila ay mahilig nang mag-direct ng play at mag-audition si Charmaine. Naalala niya noong hindi ito nakuha sa nativity school play, iyak ito nang iyak kaya nagpagawa ang nanay nito ng wooden stage sa bakuran at ipinatawag silang mga pinsan para sa isang show. Syempre si Charmaine ang bida at sila ang mga extra. Ang mga magulang naman nila ang audience. "Hindi ka pa ba nakuntento na ginawa mo akong camel noon sa palabas mo?" tudyo niya. Tawa nang tawa ang babae nang maalala ang nakaraan. "Ang kj naman nito. Walang camel na character dito, huwag kang mag-alala." "Ayoko. Si Eros na lang." Lalong natawa si Charmaine, "Huwag na. Baka seryosohin ang palabas. Maging x-rated pa. Alam mo naman iyon." Natawa na rin si Emman. May mga dumating na estudyante kaya lumayo muna siya sa booth. "Nag-text si Eros," sabi ni Ethan. "Magkasama na raw sila sa gate ni Evan. Hihintayin daw tayo doon." "Tara na," aya ni Emman. Kumaway muna siya kay Charmaine, "Ate Cha, alis na kami." Kumaway rin ito. "Sandali lang tatawagan ko muna sila Jordan," sabi ni Emman. "Sabihin ko hindi ako sasama ngayon." Saglit siyang nakipag-usap sa barkada. Nawala naman si Ethan sa tabi niya. Maya-maya ay bumalik rin ito. "Saan ka galing?" "Wala. May sinabi lang si ate Cha. Tara na," aya ni Ethan. Sumunod na si Emman sa kapatid. ******* Alas sais na ng gabi nang makauwi ang magkakapatid. Agad na naghiwa-hiwalay ang apat at nagtungo sa kanya-kanyang kwarto. Magkasama sila sa condo ni Eros pero sa bahay sila umuuwi tuwing weekends. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Emman. Hindi niya kilala ang numero. "Hello?" bungad ni Emman. "Is this Mr. Emmanuel Altamirano?" tanong ng babae sa kabilang linya. Boses iyon ng matanda at may british accent. Isa lang ang kilala niyang may ganoong boses. "This is Mildred Weber, your English professor." Sabi na nga ba. Bakit naman ito napatawag? Baka papayagan na siya nitong mag-enroll ulit sa klase nito. He was dropped on the first week dahil lagi siyang late. "I just want to inform you that your audition for the play production is tomorrow at 3 p.m. in the Pursuit auditorium." Lalong nagtaka si Emman. "W-what audition?" "Audition for the stage play of the drama club. I'm the English adviser of the club,remember? And you sign the application form for the audition. Does it ring any bell?" "Wait..." pigil niya sa iba pa nitong sasabihin. "There must be a mistake. I didn't sign any application and I have no interest in auditioning for the stage play." Narinig niyang ang pagbuntong-hininga ng matanda. "Well, I think you would be a good fit for the role of Simon. Anyway, how about we make a deal. If you audition, whether you get the part or not, I'll let you enroll in my class again." "Ma'am, I'd really love to attend your class but do I have other option? I don't want to be a part of that stage play. I can't even act." "Your other option is to enroll in my class next semester. Have a good evening, Mr. Altamirano-" "Fine," napabuga ng hangin si Emman. "I'll do it. I'll audition for the play." "Great. So see you tomorrow," paalam na nito. "And for christ sake, be on time." ******** Matagal nang natapos ang usapan ni Emman at ng professor pero hindi pa rin siya makapaniwala na pumayag siyang mag-audition sa school play. Hindi naman talaga siya nag-sign ng application form. Sino kaya'ng walang magawa ang naglagay ng pangalan niya? Napapikit si Emman nang maalala ang nangyari kanina. "Ethan!!!!!!!" His voice echoed in the whole house. Narinig niya ang kalabog mula sa hallway kaya nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. He saw Ethan running towards their parent's room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD