"Mom, tama na ang drama ninyo dalawa nagugutom na kami."
Natatawang wika ni Andrew.
Agad naman tumango ang ginang at pinunasan ang nagpatakang luha sa kanyang mga mata at saka niya kami sinamahan sa kusina.
Nagulat pa ako nang makita ang malaking hapag kainan.
Na puno ng pagkain, nagmukha tuloy itong fiesta sa dami ng pagkain.
"Mom, hindi ka naman mukhang excited! Sorry, anak, natutuwa lang ako at narito ka na.
Isa pa, na-guilty rin ako dahil nagalit ako sa iyo, anak, dahil pinigilan kita hanapin si Carol," seryosong wika ni tita.
"Mom, naiintindihan ko naman na ayaw ninyo ako masaktan at isa pa tama naman kayo noon na ikakasal ako kay Katelyn.
Pero dahil pareho naman naming gustong maghiwalay, dalawa ay lumuwag na rin ang pakiramdam ko." Nakangiting wika ni Andrew kaya agad napatango si Tita kay Andrew, at saka niya kami niyaya kumain.
Tahimik kaming nagsalo-salo sa hapag kainan, at matapos noon ay umalis na rin si Alfred para ipahanap si Kuya Patrick.
Ako naman ay sinamahan ni Andrew sa magiging silid ko na katabi lang ng kwarto niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid at namangha ako sa laki at ganda noon.
"Andrew , ito ba talaga ang kwarto ko? Napakalaki naman."
"Ano kaba, maliit pa nga ito. Mas gusto ko sana sa kwarto kita matulog."
Hinampas ko siya sa dibdib niya dahil sa sinabi niya at pinanlakihan ko siya ng mata.
Natatawa naman siya sa ginawa ko paghampas sa dibdib niya, at agad na niyakap ako nito.
"Nag jojowk lang ako pero kung gusto mo naman maluwag ang aking kwarto.
Pwede kang pumasok doon anytime na gusto mo."
"Andrew ! Puro ka naman kalokohan! Buti pa pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga kana.
Gusto ko rin maligo dahil nanlalagkit na ako."
"Pwede ba sabay na lang tayo?"
Kinurot ko ito sa tagiliran niya na ikinahiyaw naman nito.
"Array, masakit ka mangurot,"
"Ikaw naman kasi puro ka kalokohan," inis na wika ko pero hindi ko rin magawang pigilan ang aking tawa.
Natigilan kami sa paghaharutan nang makarinig kami ng katok mula sa pinto kaya agad binuksan ni Andrew ang pinto.
Pagkabukas niya ay tumambad sa kanya ang isang katulong na bitbit ang ilang gamit ko, at ipinasok niya ang dalawang maleta na dala nito.
"Salamat ate sa pag akyat mo ng gamit ko."
"Wala poh iyon, mam, obligation ko poh iyon bilang isang katulong ."
Agad akong ngumiti dito at namaalam na rin itong lalabas na ng kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Andrew sa loob ng kwarto at dahan-dahang naupo ako sa isang malaking kama.
Napabuntong hininga na lang ako habang tahimik na nakatanaw sa labas.
"Bakit ang tahimik mo? Ano ang iniisip mo?"
"Naisip ko lang kung safe ba ako dito? Paano kung madamay kayo at ang Mommy mo?"
"Wag kang mag-alala, safe tayo dito. May bodyguard sa labas, at isa pa, nasa private subdivision tayo. May sarili tayong guard at kalat rin ang CCTV sa buong bahay, kaya kahit wala ako dito, mababantayan kita."
"Pasensya kana, dahil sa akin pati ikaw ay nalalagay sa panganib . Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari sa inyo ni Alfred."
"Wag mo kami isipin; ang importante ligtas ka! At isa pa, kung nangangamba ka, pwede naman natin dagdagan ang bantay sa loob ng bahay, at pwede rin naman ako kumuha ng bodyguard ko para makampante ka!"
"Salamat, Andrew."
"Hindi mo kailangan magpasalamat; ang makita ko na ligtas ka ay napakahalaga na para sa akin."
Napangiti ako sa kanya at tumayo muli sa kama para yakapin siya.
***********
Alfred POV
Pagkarating ko sa condo ko ay agad kong hinubad ang polo ko at naupo sa isang mahabang sofa.
Humilata ako doon para makapagpahinga ako.
Wala sa sarili, bigla akong napabangon nang makita kong lumabas ang isang housekeeper sa loob ng kwarto ko.
Napamura ako nang malutong nang makita ko ang magandang mukha ng babae.
Kapansin-pansin na makinis ang balat nito at napakaganda ng katawan na nakasuot ng maikling palda at blouse , na halos lumuwa na ang malulusog na bundok nito.
Dala nito ang isang walis tambo at dustpan.
"F**k, sino ka? Ano ginagawa mo sa loob ng condo ko?"
"Ay, sir, tinawagan poh kasi ako ni Ms. Valdez at pinalilinisan poh itong condo ninyo. Bilin raw poh ng may ari na si Mr. Montifalcon."
"Tarantad* talaga ang mokong na iyon; siguro sinasadya niya magpadala ng housekeeping sa loob ng condo ko para mabaling ang tingin ko sa iba at hindi ko pag nasaan si Carol."
"Sir, may sinasabi poh ba kayo?"
"Ahhh, wala sige, Ms. Umpisahan mo na maglinis, may tatawagan lang ako." Ngumiti ito sa akin na halos ikatunaw ko naman dahil napakaganda ng ngiti nito .
Habang naglilinis siya, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang abala ito sa pagwawalis at paglalampaso ng sahig.
Napakaputi kasi ng hita nito at may katambukan ang pwet , at may kanipisan rin ang baywang nito na parang kay sarap yakapin.
Napailing-iling na lang ako dahil pakiramdam ko ay nahuhumaling ako sa kanya.
Nagmadali akong tawagan si Andrew, at nang mag-ring iyon ay sunod-sunod na mura ang tumambad sa kanya.
"Andrew , f**k you, bakit ka nagpadala ng housekeeper sa loob ng bahay ko ng hindi mo man lang sinasabi sa akin?"
"Bakit masama ba? Gusto ko lang maging comfortable ka diyan."
"Wag mo akong pinagloloko, bro! Alam ko ang iniisip mo. Ginawa mo ito para mabaling ang tingin ko sa iba."
"Bro, ayaw mo ba? Gusto mo ba ihanap kita ng iba ?" Natatawang wika nito .
"Gag* ka talaga."
"Natawagan mo na ba ang mga kakilala mo? Kaylangan na natin mahanap ang Patrick na iyon ."
"Gagawin ko pa lang wag kang atat gusto ko mag pahinga muna ! Don't worry tatawag ako agad sa kanila pag nakapag pahinga ako.
Alam mo naman hindi ko hahayaan may Mang yari kay carol."
"Sige , bro, tawagan mo na lang ako pag may balita ka na," seryosong wika ni Andrew.
Patrick POV
"Anong balita? Alam na ba ninyo kung nasan si Caroline at kung saan siya dinala ng dalawang kasama niya?
"Yes , sir ! Ayon poh sa aking investigation, hawak siya ng isang bilyonaryo.
Si, Mr. Andrew Montifalcon ang may hawak sa kanya."
"Good, mabuti naman at nakilala na ninyo ang may hawak sa kanya. Hindi tayo pwede magpadalos-dalos dahil kaylangan natin mag-ingat lalo na at mabigat ang makakalaban natin.
Pumili ka ng magagaling na tauhan para sa muli kong pagbawi kay Caroline ."
"Sige, sir, masusunod po." Agad sumunod ang tauhan ni Patrick at saka ito nagmadaling lumabas ng opisina ni Patrick .
Kaya mabilis na hinigop ni Patrick ang alak na nasa crystal glass niya.
"Magtago ka man nang magtago, Caroline, hindi mo ako matatakasan dahil hahanapin at babawiin kita. Magtago ka man sa mga bilyonaryong boyfriend mo, hindi mo ako matatakasan dahil babawiin kita. Handa ko patayin silang lahat para wala lang maging hadlang sa muli natin pagsasama.
Pagkatapos niyang ubusin ang laman ng kanyang crystal glass ay lumabas na ito agad para umuwi sa kanyang bahay .
Hindi alam ng mga umampon sa kanya na maayos na ang buhay niya. Hindi man siya madalas umuuwi sa kanila. Nagpapadala pa rin siya ng pera sa mga ito para may panggastos sila sa araw-araw .
Agad niya pinasibat ang kanyang kotse hanggang sa makarating ito sa malawak na bahay niya.
Balak niyang dalhin si Carol dito sa oras na mabawi niya ito kay Andrew na iyon .
Dito niya nais bumuo ng pamilya kasama si Caroline kaya mas pinili niya ang malaking bahay para sa kanila.
***********
Nakaraan:
"Sino siya?"
"Anak siya ng kapatid ko , dito siya titira para may makatulong naman tayo sa bahay. Alam mo kasi wala na siyang magulang at ako na lang ang malapit na kamag-anak niya."
"Wala na nga tayong makain, nag sama pa kayo ng isang pang palamunin."
"Wag kang mag-alala, iho, magtatrabaho siya. Hindi libre ang pagtira niya dito sa bahay kaya iutos mo lang sa kanya ang mga nais mo para kahit papaano hindi lang puro lamon ang alam niya. Masyado na siyang malaki kaya kailangan niya mag-diet."
Tiningnan ko lang mula ulo hanggang paa ang batang babae kasama ni mama.
Hindi ko gusto ang itsura niya pero maganda ang mga mata niya.
Lumipas ang mga araw at nagsama nga kami sa iisang bahay. Malimit ay isinasama siya ni mama sa palengke para magtinda ng isda, at kung minsan ay nagbabakal bote siya kasama ni tatay.
Habang dumaraan ang mga panahon ay malaki ang nagiging pagbabago sa kanya, at kasama na doon ang pagpayat nito.
Napansin ko ang kakaibang ganda nito, lalo na sa tuwing naglalaba ito ng mga damit namin.
Magmula nang pumayat siya ay doon ko naman naramdaman ang matinding pagnanasa sa kanya.
Humantong pa sa nagawa kong pumasok sa kanyang silid, naka-short lang siya habang natutulog sa kanyang kwarto kaya naupo ako sa tabi niya at hinaplos ang makinis at malambot niyang hita.