Namayani ang katahimikan sa loob ng elevator hanggang sa magbukas ito. Unang lumabas doon si Alvin kaya agad ko hinila ang kamay nito para pigilan siya. “Wait, Alvin,“ wika ko dito dahilan para mapatingin siya sa akin. “Bakit? May problema ba? “ “Pwede mo ba akong hintayin? Masyado kasi malawak ang bahay ninyo at hindi ko alam ang daan papunta sa dining area. “Pwede mo naman ako sundan papunta doon,“ seryosong wika nito sa akin. “Ahh… ehhh mas maganda siguro kung sabay na lang tayo pag punta doon,“ nakangiti kong wika dito. Saka ko matapang na ikinawit ang kamay ko sa braso nito at hinila ito . Nakita ko ang pag kagulat sa mata nito kaya hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Pag dating namin sa kusina ay inabutan ko doon ang ina ni Alvin na si Tita Carol habang may kausap itong isa

