Daniela's POV Nang makababa ang eroplano sa airport ay agad ako naghanap ng taxi na pwedeng maghatid sa akin sa bahay ng mga Montefalcon. Nang makarating ako doon ay sinalubong agad ako ng napakalaking gate. na gawa sa makapal na mga bakal. Agad binaba ng driver ang aking maleta kaya agad ko binayaran ang taxi driver at nagpasalamat dito. Hinila ko ang aking maleta patungo sa gate nila at pinindot ang doorbell. Nakailang pindot pa lang ako ng bumukas iyon at isang matandang lalaki ang inilabas noon. Agad ako ngumiti at nagpakilala. “Hi, ako nga pala si Daniela.“ “Ahhh … Ikaw iyong ibinilin ni Ma'am Carol na anak ni Sir Alfred at Ma'am Francine.“ “Opoh, ako nga po.“ “Ahhh… halika po, kayo pumasok kayo, nasa garden siya ngayon, ihahatid kita.“ “Ay…. Sige, salamat, nakangiting wi

